Chapter 29: Two Truths and a Lie

6.8K 122 3
                                    

-3rd Person's POV-

2 days earlier

"Steffi told me that you will celebrating 2nd month with Von?" Inangat ni Troy ang kanyang ulo at nailapag ang hawak na kubyertos.

"So?" Tugon nito kaya natawa na lamang ang kanyang ama na si Sonny

"I will prepare something to the both of you. You didnt even celebrated your first month"

"Dad monthsary stuff is just a number. I dont think we need to celebrate it" Naibagsak ni Sonny ang kanyang kamay sa mesa kung kayat ikinagulat ito ni Troy.

Napalingon din ang ibang tao sa loob ng restaurant kung kayat mas lalong nainis si Troy.
Subalit hindi na lamang ito nag salita dahil alam niyang galit na galit na ang ama.

"How come you just forget it? You should have done something for your girl. I will let my Secretary prepare for a date night" Pinunasan nito ang kanyang labi gamit ang table napkin bago uminom ng tubig.

"I need to go. My Secretary will just contact you"
Hindi umimik si Troy kung kayat umalis na si Sonny.
Napasapo na lamang sa kanyang ulo si Troy.

Nang matapos itong kumain ay umalis na din ito ng restaurant.

Naglakad patungo sa kanyang sasakyan si Troy ng madaanan nito ang isang boutique. Napansin nito ang kulay asul na damit na suot-suot ng mannequin.
Sumagi sa isip niya si Von ng mga oras na iyun.
Hindi nito namalayan na nakapasok na pala siya sa loob ng boutique.

"Good afternoon Sir. How may I help you?" Bati ng isang staff kay Troy ng ito ay makapasok.
Hindi umimik si Troy at napahimas na lamang sa kanyang batok.

"Uhmm~ I would like to buy that one" Itinuro nito ang natitipuhang damit.
"However, I dont know what size she is"
Ngumiti ang staff kay Troy.
"Sa tingin niyo po ba Sir magkasing size kami ng girlfriend mo?"

"She's not my~ Anyway, mas maliit siya sayo ng kaunti"

"I think extra small siya Sir at tsaka stretchy naman po yung tela. Kapag hindi po kasya sa jowa niyo pwede niyo po palitan within seven days" Napatango si Troy sa staff.

"Ibabalot ko na po Sir huh" Nang makuha na ng staff ang tamang size ay tumungo na ito ng counter.

Habang nagbabayad ay napalingon si Troy sa mga naka display na alahas malapit sa counter.

"May gusto po ba kayo Sir? Mga 100% silver po ang mga iyan at galing pa po ng Europe"

"Sa tingin ko po ay babagay ang isang alahas dito sa damit ng girlfriend niyo"

"I said shes not~ whatever, just wrap as well that bracelet with a star pendant"

"Good choice Sir. Nag-iisa lang po ito" Kinuha na din ito ng staff at ibinalot.
Nang makabayad na si Troy ay lumabas na ito ng boutique.

Habang hawak ang paper bag ay napapailing na lang ito.

-Present-

"I think enough with this game. Let's just drink and enjoy the night guys" Sambit ni Dykie at kumuha ng isang bote ng beer.

Lumapit si Kenjie kay Steffi at tsaka ito inakbayan.

"Dami na ata nainom natin. Tara Steff sa pool muna tayo" Hindi naman umangal si Steffi at sumama na din kay Kenjie.

Bumalot ang katahimikan sa paligid at tanging ang agos lamang ng dagat ang tanging maririnig.

Lalapitan sana ni Samantha ang kaibigang si Von ngunit pinigilan siya ni Edward.

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon