-Vanellope Von Santiago-
Ales tres ng madaling araw.
Agad akong napabangon ng tumunog ang lumang alarm clock ko sa kwarto.
Paghilamos ng mukha ang una ko ginawa bago dumiretso ng kusina.Nasa kusina na si mama at nag hahanda sa mga sangkap na lulutuin namin para ngayong araw. Bumati ako sa kanya bago itinali ang aking buhok.
Pinatunog ko pa ang mga buto ng aking daliri bago kinuha ang kamoteng hindi pa nababalatan. Kinuha ko ang kutsilyo bago nag simula sa trabaho.
And let the preparation begin.
5:30 am
Inilapag ko na ang huling piraso ng puto na ilalako ni mama. Agad na siyang umalis upang masimulan ang pagtitinda nito.
Nilinis ko muna ang kusina bago nag luto ng tuyo at itlog para sa magiging almusal namin ngayon araw.6:10 am
Gamit ang metal na plantsa na nilagyan ko ng nag babagang uling ay sinimulan ko ng plantsahin ang uniporme naming magkapatid.
Ilang minuto lang ng matapos ako ay ginising ko na agad ang aking kapatid, sabay na kaming naligo sa malamig na tubig upang makapag-handa na sa pag pasok sa paaralan.
Ako si Vanelloppe Von Santiago at ito ang aking simpleng pamumuhay.
THE BEGINNING
Von's POV
7:00
Naghahanda na kami para ready na for school. Nakarating na rin si mama galing sa pagtitinda. At katulad ng dati, ubos lahat.
"Ate patikim naman niyang biko" Sabi ni Micah kapatid kong 7 years old.
Ang kulit lang eh
Humingi ako ng kaunting biko kanina kay mama, ibibigay ko kasi ito kay Ethan. Regalo ko para sa kanya.Sino nga ba si Ethan? Well boyfriend ko lang naman.
Hindi man ako kagandahan pero atleast may kasintahan akong isang taon ko ng minamahal."Micah wag mo ng kulitin yang ate mo! Regalo niya yan para sa kuya Ethan mo" sabi ni mama habang nag bibilang ng pera.
Doon lang kumukuha si mama ng pang araw-araw na kinakailangan namin, minsan mahirap, minsan naman maluwag.
Mabuti na nga lang eh scholar ako kaya medyo hindi na nahihirapan si mama. At yung mga baon ko naman tsaka para sa mga projects minsan nagpa part time ako. Kahit ano pinapasukan ko basta may pera tsaka legal. Go ako diyan.
Isa nga sa naging part time ko kumuha ng mga kuto ng aso. Peste talaga yun -_-. Pero atleast bawat kuto na makuha ko is 30 pesos. Mabuti na nga lang maraming kuto yung asong yun pasalamat ko na lang. Hahahaha
Okay bakit ba umabot ako sa kuto?"Eh! Kunti lang eh! Ang damot!" Pangungulit ni Micah at nag pout pa.
"Haaaaay! Yan ka na naman sa pout mo eh. Oh siya ito na!" Sabay abot ko ng platito sa kanya, bigla namang lumiwanag ang mukha nito
"Waaahhhh T.T salamat ate" sabay yakap niya sa akin
Hindi ko talaga matanggihan tong kapatid kong to! Mahal ko to eh. kahit kapatid ko lang sa mama si Micah mahal na mahal ko to.
Naging ofw kasi si mama sa America 10 years ago at ayon pinagsamantalahan siya ng walang hiya niyang amo. Oo kahit papaano naging maluwag ang buhay namin ni mama noon pero pina uwi ko na agad siya noon matapos ko malaman yung ginawa ng amo niya.
Nag bunga iyun at si Micah ang binigay sa amin.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomanceShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...