Von's POV
"Good morning Maam Von"
"Good morning din Manong"
Pinagbuksan ako ng glass door ni Manong Toto. Matapos makapagpasalamat ay pumasok na din ako kaagad ng resto.Naabutan ko ang mga tauhan namin kasama si Janelle na nanunuod ng TV.
Nang mapansin nito ang aking presensya ay basta na lang nila pinatay ang pinapanuod."Von! Nandiyan ka na pala" Sinalubong ako ni Janelle at basta na lang hinila papasok ng aming office.
Masama ang tingin ko sa kanya dahil ang weird ng mga kilos nito.Kinuha ko ang dyaryong nakalapag sa aking mesa ngunit bigla na lamang niya itong inagaw.
"Nel?" Pinagtaasan ko siya ng kilay habang nakapamewang dahil napapansin kong parang may tinatago siya.
Basta na lang kasi nito itinapon ang hawak na dyaryo at tumabi sa akin ng upo."Kamusta na yung preparation natin para sa event next week? Anong cake nga yung gusto ng--"
"I know" Nanlaki ang mga mata ni Janelle habang nakatingin sa akin ng diretso.
Nag check ako ng local news kaninang umaga habang papuntang work. At alam ko kung bakit ganito ang kinikilos ni Janelle sa akin. Pero kahit anong tago niya ay malalaman at malalaman ko pa din naman dahil pinag uusapan ito ngayon sa buong social media account.
"Oh my god! Really?" Nilapitan ako nito at niyakap.
Napangiti na lamang ako."The nerve right? Matapos niyang mawala ng apat na taon malalaman na lang natin na uuwi siya ng Pilipinas kasama ang fiancee niya? WOW! Just wow!"
Hindi ko magawang makapagsalita at tanging ngiti lang ang nabibigay ko kay Janelle.
Sa apat na taon ay namalagi siya sa ibang bansa at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Massachusetts Institute of Technology.
Kanina ay ibinalitang uuwi ito ng Pilipinas upang paghandaan pagpapasa ng kanyang ama sa kanya ng SNY INC."Nakaka stress huh. As in! Yung parang bula noong nawala siya tapos susulpot siya ngayon tapos magpapakasal na! Arrgh! Nakaka bwesit! Ang sarap suntukin--"
"Sinagot ko na si Dykie"
Ang kaninang gulat na mukha ni Janella ay mas naging doble.
Nagsisigaw pa ito habang nagtatalon sa harap ko. Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya."Atlast! Im so happy for you Von" Mahigpit ang yakap nito sa akin.
Maya-maya pa ay tumunog ang aking cellphone kaya agad na akong kumalas kay Janelle.
Hinablot ko ito sa aking bag.
Rumihestro ang pangalan ni Dykie kaya agad ko naman itong sinagot."Oh Dyk?"
(Nasa resto ka na?)
"Hmm. Ikaw ba?"
(Papunta na ako sa studio. By the way, natanggap mo na)
"Huh? Ang alin?"
Napansin ko na lamang ang pagpasok ng isa naming tauhan na may bitbit na bouquet. Napangiti na lamang ako matapos itong tanggapin.
"Ikaw talaga. Thank you"
(Mabuti nagustuhan mo. Susunduin na lang kita mamaya huh)
"Sige"
Inamoy ko ang hawak na bulaklak.
"Haba ng buhok ah!" Pang aasar ni Janelle sa akin.
"Kukuha ako ng vase" tumango ako kay Janelle.
Inilapag ko naman ang hawak na bulaklak sa mesa. Nakatitig lamang ako dito habang malalim ang iniisip.Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ko pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Sobrang bigat.
3rd Person's POV
"May utang ka sa akin huh!" Pagbibiro ni Dykie sa Editor in Chief ng Yes habang inaabot ang kontratang pinirmahan ni Von.
"I owe you a lot Dyk. Thank you"
"Siya nga pala kailan ba magsisimula ang shoot? Ang sabi mo di ba may kasama pa siyang ibang pesonalities"
"We are still finalizing everything. Sa katapusan siguro"
Tumango si Dykie at humigop sa hawak na tasa.
"By the way, sa Hemsworth ka nagtapos right?"
"Yup. Bakit?"
"Yung isa sa mga na invite namin nag-aral din doon, I mean they owned the school" Natigil si Dykie at nailapag ang hawak na tasa.
Seryoso itong nakatingin sa kanyang kausap."But he transffered to Massachusetts at doon na nakapagtapos. He's really amazing. He's also the legitimate heir of SNY Inc. Nahirapan nga kaming ma cast yun eh. And ito pa, we will also get his fiancee"
"I think you know him, right?"
"Yeah. I knew him"
"May gusto ka bang sabihin?"
Nilingon ni Von ang katabing si Dykie.Ngumiti ito sa binata at kinurot ang pisngi.
"Kanina mo pa ako tinititigan eh. Baka matunaw ako"
Napakamot si Dykie sa batok at mapait na ngumiti.
"Sorry. Is it uncomfortable?"
"Di naman. Kailangan ko na sigurong masanay. Inlove kasi ang boyfriend ko sa akin"
Hindi mapigilang kiligin ni Dykie sa narinig. Napatawa na lang ito at ginulo ang buhok ni Von."Ako lang ba ang inlove?"
Naging seryoso ang dalawa sa gitna ng tawanan dahil sa tanong ni Dykie. Hindi naman makuhang makapagsalita ni Von. Napaiwas ng tingin si Dykie at mapait na lamang na ngumiti.
"Von--"
"Mahal kita Dyk"
Hinawakan nito ang kamay ng binata at seryosong itong tinitigan."Gusto kong mag sorry. Sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko kanina na halos hindi na ako makapag trabaho ng maayos. Pero sa dami ng bagay na pumapasok sa isip ko, naliwanagan ako"
"Hindi ko man kayang higitan ang pagmamahal mo sa akin. But i will do everything para ibalik lahat ng ibinigay mo sa akin sa loob ng apat na taon. I will be the best girlfriend for you"
Hinawakan ni Dykie ang magkabilang pisngi ni Von habang ito ay hinaplos."Thank you" Niyakap nito ng mahigpit ang kasintahan.
(Von, sorry talaga huh. Hayaan mo kapag stable na siya babalik na din ako diyan)
"Ano ka ba Nelle. Ayos lang no! Ako ng bahala dito. Balitaan mo na lang ako tungkol kay Kenjie. Huwag ka ng mag isip ng kung anu-ano diyan"
(Thank you talaga Von huh. Kunting sugat lang naman ang natamo niya kaya lang wala pa din siyang malay hanggang ngayon. Alam mo naman yun takot sa dugo)
"Basta balitaan mo ako kapag nagising na siya, okay? Tawagan mo ako huh" Ibinaba na nito ang tawag ng siyay tawagin ng isa sa kanyang staff.
"Maam Von, may client po tayong naghihintay sa office mo"
"Sige pupuntahan ko. Nga pala Tin pa check ako ng kitchen. Paki make sure na ma si-serve na yung order ng Table 8"
"Sige Maam. Nga pala Maam ang gwapo ng cliet, parang artista siguro yun. Medyo may pagka Koreano din ang mukha" Napahampas na lamang si Von dito at tsaka ito tumungo sa kanyang office.
Sanay na din naman si Von dahil hindi na bago ito sa kanya na may mga client talaga silang artista.Pagpasok nito sa office ay bigla na lamang itong natigilan.
Nakatalikod ang lalaking prenteng naka upo sa couch.
Hindi pa man nakikita ni Von ay pamilyar na sa kanya ang structure nito.Maingat na isinara ni Von ang pinto at naglakad papalapit dito.
"Excuse me"
Tumayo ang lalaki at hinarap si Von.Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Von ng makita ang client.
Revised/Edited 7-2-20
Ms. Glad 💚
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomanceShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...