-3rd Person's POV-
"B-bakit *hek akooo nalashing *hek" Wala sa sariling sambit ni Von at tumagay muli sa hawak na bote. Agad itong inagaw ni Dykie sa kanya.
"Paanong hindi ka malalasing sa flavored Von eh inubos mo ang isang bucket" Sambit ni Kenjie. Hinampas naman siya ni Dykie upang patigilin ito.
"Dyk, ma una na ako huh. Tinawagan ko si Troy. Parating na din yun" Tumango si Dykie kung kayat na-una ng umalis si Kenjie.
Agad namang inalalayan ni Dykie si Von ng bigla na lamang itong tumayo.
"Dyyyykie!! Na *hek na--- iiiiiihi ako" Papikit-pikit si Von habang kinakapa ang paligid upang tumungo ng comfort room.
"Sandali lang Von. Paano ba to?" Napakamot na lamang si Dykie at hinatid ito patungo sa banyo.
"Kaya mo ba?" Nagdadalawang isip pa si Dykie na bitawan si Von ngunit nag dire-diretso lamang ang dalaga sa pagpasok ng banyo.
Mga ilang minuto nag hintay ito sa labas ngunit hindi pa din lumalabas si Von.
Ilang babae na ang naglabas-masok ngunit wala pa din si ito.
Dahil hindi na maganda ang kutob ni Dykie ay hindi na ito napigilang pumasok.Isa-isa niyang binuksan ang cubicle at sa huling pinto ay tumambad sa kanya ang lantang gulay na si Von. Dali-dali niya itong kinarga at inilabas sa banyo.
Paglabas ng pub ay nakasalubong niya si Troy. Napakunot ang noo nito ng mapansin na walang malay si karga-karga niyang si Von.
"Anong nangyari?" Tanong ni Troy dito ng may pag-aalala.
"Nalasing Troy. Nasaan ang sasakyan mo?" Itinuro ni Troy ang kanyang sasakyan sa hindi kalayuan.
Agad itong tumungo papalapit doon.
Maingat na inilapag ni Dykie si Von sa sasakyan ni Troy.
Matapos masigurong maayos na itong nakahiga ay binalingan niya si Troy."Ikaw na ang bahala Troy. Kung ayaw mong mawala, ingatan mo" Sambit nito at hinawakan ang balikat nito.
Nagpa-alam na din kaagad si Dykie at pumasok na rin sa kanyang kotse.
Napatitig lamang si Troy kay Von habang mahimbing ang tulog. Hindi mawala sa isip niya ang makabuluhang sinambit ng kaibigan.
Agad na siyang umupo sa driver sit at nag madaling umalis.
"Diyos ko. Anong nangyari Troy?" Gulat na tanong ni Mira ng buksan ang pinto at tumambad si Troy habang karga-karga si Von.
"Pasensya na Tita, medyo naparami po ang inom ni Von" Napahilot si Mira sa kanyang ulo.
"Naku po. Oh siya, pakipasok na lamang sa kwarto niya Troy at magpapa-init ako ng tubig. Tumango ito at tumungo sa kwarto ng Von.
Agad niya itong inilapag sa kama.
Hinubad niya ang suot na sandal ni Von.
Inayos nito ang buhok na nakatakip sa mukha ng dalaga bago umupo sa tabi nito."Mmmm" Ungol ni Von kung kaya't napatigil siya sa ginagaw.
Tumagilid si Von sa direksyon ni Troy. Napangiti na lamang ang binata ng yakapin nito ang kanyang braso.
"B-bakit aaamoyyy T-troy ka?" Napansin nito ang pagtulo ng luha ni Von.
Sinuntok pa nito ng mahina ang braso ni Troy."S-sssi Troooyyy!! S-sinasaktan akooo! D-dito----- oh" Tinuro nito ang kanyang dibdib.
"G-gagooo" Pahabol pa nitong muli bago nakatulog muli.
"Waaaaahh!!" Napatayo si Von sa pagkakahiga. Napasapo ito sa kanyang ulo ng makaramdam ng hilo.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomanceShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...