Chapter 41: Moving Forward

10.3K 156 1
                                    

Vons POV

4 years later...

"Von, nasa labas na daw si Kenjie. Una na ako huh" Tumango ako kay Janelle at nag okay sign.
Tinatapos ko pa kasi ang bini-bake kong cake para sa magiging event bukas.

"Dalian mo na din kasi parating na boyfriend mo!"

"Baliw"

"Haha. Sige na. See you later huh"

"Oo na. Sige na baka magalit na naman si Kenjie sayo"
Tuluyan ng umalis si Janelle kung kayat nagmadali na akong tapusin ang paglalagay ng frosting sa cake.
Nang ma satisfied ay inilagay ko na din ito sa ref.
Isinigurado ko munang malinis ang kitchen bago ako tumungo sa locker room upang makapagpalit.


"Oh Maam Von, nahuli ka ata" Ngumiti ako kay Manong Toto ng pagbuksan niya ako ng glass door.

"May tinatapos lang Manong"

"Ganoon po ba. Kanina pa yung boyfriend niyo nag hihintay maam"

"Manong" Ngumiti na lang ako kay Manong at nagpaalam na sa kanya.

Kumaway ako sa lalaking prenteng nakasandal sa kanyang sasakyan habang naghihintay sa akin. Agad ako nitong pinagbuksan ng pinto nang akoy makalapit.

"Kanina ka pa Dyk? Sorry may tinatapos lang"

"Ayos lang. Diretso na tayo doon?" Tumango ako sa kanya.

"Nandoon na daw sina Sam eh"

Every week ay nagkikita-kita kaming magbabarkada. Naging tradisyon na kasi namin ito every weekends.
May mga kanya-kanya na kaming pinag kaka busyhan sa buhay ngunit hindi pa din namin nakakalimutang mag laan ng panahon para naman makamusta ang isat-isa.

Sa tiyaga at sa kaunting puhunan ay napalago namin ni Janelle ang itinayong restaurant 1 year ago. Naging sikat ang resto namin ng manalo ako sa Master Chef PH earlier this year.
Dinagsa na kami at kadalasan sa mga regular customer namin ay artista.

Si Samantha naman ay pinagpatuloy ang pag momodelo. Pinasok na din nito ang acting at lumalabas na sa iilang palabas sa TV.
Si Kenjie naman ay nagta-trabaho sa mismong kumpanya nila. Ang alam ko ay siya ang humahawak ng first branch ng Parker Hotel.

Si Edward ay busy sa pagpapatkbo din ng bar ng pamilya nila na ngayon ay may tatlong panibagong branch na.

Si Dykie ay nag pursue sa korsong kinuha niya at may sarili ng studio. Rising photographer siya ngayon at naimbitahan na din sa ibang bansa. Mga mabibigat din halos mga client nito.

Habang sinusuyod ang daan ay bigla na lamang inabot sa akin ni Dykie ang isang envelop.
May pagtataka ko itong tinitigan saglit bago tinanggap.

"Ano to?" Inilabas ko ang pirasong papel sa loob ng envelop.

"Official Contract" Binasa ko ito habang nakikinig kay Dykie.

"No pressure. Kapag nakapag decide ka na tsaka mo lang pirmahan"

"Kukunin niyo talaga ako?" Akala ko nagbibiro lang siya ng sabihing kukunin ako ng Yes Magazine.

"Gusto ka ng Editor-in Chief eh. Pakiusapan daw kita"

"Ano nga ulit theme nila?"

"Young Successful Professionals"

"Paano ako naging fit doon?"
Napatawa si Dykie kung kayat sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ba obvious? Your young, successful and a professional!" Dykie smirked bago ako kinindatan.

"Pag iisipan ko"

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon