Chapter 3: Bestfriend

14.5K 296 7
                                    


Von's POV

Alas 12 na ng madaling araw ngunit dilat na dilat pa din ang mga mata ko.

Sabihin niyo nga, paano kung sabihin sa iyo ng isang tao na girlfriend ka niya tapos unang beses niyo palang nagkakilala. SABIHIN NIYO? ANONG DAPAT KONG E-REACT?!!!!! Dahil ako sa totoo lang ay nababaliw na talaga ako.
Ikaw ba naman sabihan ng ganoon pagkatapos iiwanan ka lang na nakatanga doon. Ang bastos lang talaga ng demonyong iyun.
Iniisip kong baka joke lang siguro yun. Tama nga! Joke lang ang lahat. Hahahaha! Isang kasinungalingan lang ang lahat. Kaya Von pwede ba matulog ka na!!!!

"Ate ilang kilo eyebags mo?" Tanong sa akin ni Micah at sinubo ang pandesal na sinawsaw niya sa gatas. Inirapan ko siya at sumubo na din ng pandesal. Tinawanan ako ni Micah.
Haaaay!
Oo, hindi ako nakatulog! Alas 3 palang bumangon na ako dahil nagluto pa kami ng kakanin ni mama. May tatlong oras sana ako para matulog ngunit hindi ko nagawa. As in?!!

"Ano ba kasing nangyari Von?" Tanong naman ni mama habang busy sa pagbibilang ng pera.
Tumayo na ako at hinugasan ang mga basong ginamit namin ni Micah.

"Wala na po kami ni Ethan" diretsong sambit ko. Nakita ko kung paano sila malungkot na tumingin sa akin. Ngumiti ako ng pilit.

Kinuwento ko kung ano ang rason ng paghihiwalay namin at nagalit sila, syempre.
Parang anak na ang turing ni mama kay Ethan at parang kuya naman para kay Micah kaya ganoon na lang ang pagkadismaya nila.
Pero ganoon talaga eh. Kailangan kong tanggapin at mag move on. Alam kong hindi madali dahil isang taon din nag tagal ang relasyon namin. May mga bagay talagang hindi pirmanente sa mundo. Kagaya sa amin ni Ethan, ang relasyon namin may ending.




"Hi Miss, transferee ka?" Biglang tanong ng ka-klase kong si James. Gulat ko naman siyang nilingon. Ano to? Nagka amnesia.
Ilang minuto akong tulala ng maalalang iba pala ang buhok ko. Ganoon na ba talaga kalaki ang pagbabago sa mukha ko?

"Hindi ako transferee James at baka nakalimutan mo lang. Ako si Von, Santiago matagal na tayong kaklase" halos malaglag ang panga ni James dahil sa simabit ko.
Agad niya itong sinabi sa mga kabarkada niya kaya lahat napalingon sa akin.

"Akala namin transferee. Ayos Von ah! Ganda natin naging broken hearted lang" umirap lang ako bilang sagot at hindi na lamang sila pinansin. Lumilipad talaga ang balita no? Nalaman kaagad nila ang paghihiwalay namin.

Wala akong kaibigan sa eskwelahan kasi nga hindi ako kagandahan tapos hind pa ako mayaman kaya wala ng nag aksaya ng oras maging kaibigan ako. Sa loob ng isang taon si Ethan lang ang kasama ko, ang tinuring kong kaibigan ngunit niloko pa din ako.
Natigil lang ako sa pag e-emote ng biglang dumating ang unang guro namin. Napaayos ako ng upo at isinara ang librong hindi ko naman binasa -_-

" We have a new transferee.." bungad ni Maam. Napangiwi ako. Pati ba naman si maam?

"Ms. Samantha Nicole Mercado, please come in" Okay, assuming ako doon. Hindi pala ako. Napalingon ako sa pinto at bumungad ang isang magandang babae. Parang pamilyar ang mukha niya. Habang nagpapakilala siya ay nakatitig lang ako sa mukha niya, maganda.

"Thank you Ms. Mercado. You can sit beside Ms. Santiago" Itinuro ni Maam ang bakanteng silya sa tabi ko.
Wala kasi akong katabi, alam niyo na wala akong kaibigan.

Nang maka-upo na yung transferee sa tabi ko ay ngumiti siya, ngumiti din ako pabalik. Mukhang mabait siya.

"Hi Von" halos gustong lumuwa ng mga mata ko ng sabihin niya ang pangalan ko. Kilala niya ako?

"Te-teka bat mo ako kilala?" Bulong ko sa kanya habang nasa harap ang tingin.

"Ang laki na ng pinag bago mo. Hindi mo na ba ako naalala? Si Samoy to!" Nakangiting sambit niya. Napatigil ako sa pagsusulat at tsaka siya nilingon. No waaaaaay! Ang magandang babaeng ito si Samoy? Okay, i wil explain who
Samoy is, bestfriend ko siya noong grade school kung hindi ako nagkakamali Grade 4 ako ng maging kaklase ko siya. Siya lang yung taong pumapansin sa akin, pinagtatanggol niya din ako sa mga nang-aasar sa akin. 
Hindi pa natatapos ang taon ng mamatay sa isang aksidente ang mga magulang niya at dahil walang ibang kamag-anak sa Pilipinas ay kinuha siya ng Lola na nakatira sa ibang bansa.

Malaki ang pinag-bago niya. Mas gumanda siya lalo tapos naging blonde na yung buhok niya kaya hindi ko siya makilala kanina.

Isang mahigpit na yakap ang binigay ko kay Sam ng makaalis na ang guro namin. Niyakap niya din ako ng mahigpit.

"Grabe ang laki ng pinagbago mo" sambit ko pagka-kalas ng yakap namin.

"Ikaw din nga Von eh! Ang ganda mo na" hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"So kamusta na? Bakit ka bumalik dito sa Pilipinas?" Niyakap ko ang braso niya at naglakad na kami sa susunod na klase. Akalain niyong pareho kami ng subjects.

"Honestly lola doesn't want me here. Pero pinilit ko siyang dito na mag aral ng college. At first pinipigilan niya talaga ako. Kaya ngayon lang ako nakalipat." Pagpapaliwanag niya. Oo nga naman, mas maganda kaya mag aral sa ibang bansa.

"Mas maganda naman doon ah!" Sambit ko naman.

"Mas gusto ko dito eh" simpleng tugon niya. As usual siya pa din ang taong nakilala kong very down to earth at mabait.

Malapit na naming marating ang silid para sa Algebra subject namin ng mapansin ko ang presensya ni Ethan.

Kausap niya ang basketball team at katabi niya naman si Misty.
Napaiwas ako ng tingin ng lumingon si Ethan.

"Hey, you alright?" Tanong sa akin ni Sam. Tumango ako bilang sagot. Kumikirot na naman ang dibdib ko.

Mabigat akong na upo sa silya. Nilaro-laro ko na lamang ang aking ballpen.

Napabalik lang ako sa sarili nag magtitili na ang kaklase kong mga babae. Nandito na si Sir Pogi. Masasabi ko, gwapo talaga si Sir Mike

"He's cute." Sambit ni Sam. Ngumiti ako sa kanya. Cute na gwapo pa tapos sexy. Na kay sir na ang lahat.

Natapos ang araw na normal. Palabas na kami ni Sam ng school habang nagkukwentuhan. Ilang taon din kaming nagkahiwalay no kaya ang dami naming napag-usapan.
Natigil kami sa tawanan ng mapansin namin ang gulo sa may gate. Specifically babae ang nagkakagulo.
Sinong nanadito? Si Piolo Pascual?

"Sam maki-chismis tayo doon. Mukhang nandito si Papa P." Out of the blue nasambit ko na lang. Malay niyo naman, di ba?

"Seriously Von -_-" Walang ganang nagpahila na lamang sa akin si Sam.

Sinubukan naming makisiksik hanggang mahagip ng mga mata ko kung sino ang pinagkakaguluhan.
Shit! Nakakakita ako ng isang gwapong demonyo.
Mabilis pa sa alas kwartrong nahila ko papalayo si Sam.

"Sam dali alis na tayo, demonyo yung nakita ko eh"

"Huh?? Anong demonyo? Ang gwapo nga ni kuya eh, kaya pala nagkakagulo ang mga babae dito.."
Sabat niya pa. I just rolled my eyes. Kung alam niya lang.

"Trust me! He's evil" hinihila ko si Sam ng maramdaman na hindi na siya gumagalaw.

" Were do you think you're going??" That voice. Oh. My. God.
Naramdaman ko na may humila ng bagpack ko.

"Ano ba uuwi na ako!!"
Pagpupumiglas ko ngunit mabilis akong hinila ni demonyo dahilan upang mabitawan ko si Sam. Si Sam na nakatulala.
Gusto kong sumigaw ng kidnap pero alam kong hindi magsisilbi. Ikaw ba naman kidnappin ng gwapong nilalang na may magarang kotse tignan lang natin kung may tutulong.

Pabagsak niya akong ipinasok sa kanyang kotse.
Okay, RIP to me!

EDITED (8-26-17)
Glad ❣️

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon