Chapter 28: Surprise (Part 2)

7.7K 129 4
                                    

-Von's POV-

Isinigurado ko munang ikinalma ang aking sarili bago lumabas ng banyo.

Inayos ko ang aking mukha at hinawi ko pa ang aking buhok.
Nakangiti akong lumabas ng banyo upang walang masabi si Troy.

Naabutan kong naka-upo na siya ng akoy makabalik.
Umupo na din ako kaagad at uminom ng tubig.

"You okay?" Mapait akong ngumiti sa kanya.

May inabot siyang munting paper bag sa akin.
Medyo may pagtataka ko siyang nilingon ngunit inilahad niya lang ito papalapit sa akin.

Kinuha ko ito at sinuri. Mayroong munting box sa loob nito. Agad ko naman itong hinablot.

Tinignan ko siyang muli bago binuksan ang box. Tumambad sa akin ang isang silver na bracelet, mayroon itong pendant na bituin. It's so cute. Hinimas ko ang pendant nito at inilabas sa box.

"Let me help you" Sambit nito at lumapit sa akin.
Isinuot niya ito sa aking kamay.  Napangiti ako dahil dito ngunit bigla lang din itong naglaho ng pumasok sa isip ko na plano pala ito ni Tito Sonny at hindi ni Troy.

"Thank you" Nasambit ko na lamang sa kanya.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng ingay sa ibabaw ng restaurant, nang-gagaling ang ingay sa bubong nito. May pumasok na isang lalaki at lumapit kay Troy. Inabot nito ang isang pirasong papel.
Lumapit ako ng kaunti kay Troy nang hilain niya ang aking kamay upang ipabasa din ito sa akin.

~I want you two to enjoy this day. The chopper will bring you to the next destination~

"Dito tayo Young Master" Sambit noong lalaki at inaya kami paakyat.
Sinundan lang namin siya at ng maabot namin ang rooftop ay tumambad sa amin ang tinutukoy na chopper.

Halos malaglag ang panga ko sa nakita.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Troy sa aking braso at tinakpan din nito ang mukha ko gamit ang kanyang tuxedo dahil sa sobrang lakas ng hangin.

"T-Troy parang sobra-sobra na ata to" Sigaw ko sa kanya upang marinig niya ang sinasabi ko.

"Pagbigyan na lang natin si Dad Von. He already prepared everything"
Sambit nito at inilahad ang kamay upang akoy tulungan sa pag akyat.

Ilang segundo ko munang tinitigan ang kanyang kamay bago ito hawakan.

Nagsisisi na tuloy ako dahil sa pagpapanggap naming ito ni Troy.
Sa dami ng ginagawa ni Tito Sonny sa relasyon namin mukhang hindi ko deserve dahil niloloko lang namin siya. Niloloko ko siya.

Malalim at lutang ang isip ko buong byahe. Hindi talaga mawala sa isip ko lahat ng ginagawa sa amin ni Tito.

Hindi nag tagal ay narating namin ang destinsyon.
May dagat akong nakikita kaya sigurado akong isang resort ito.

Pagkalapag ng chopper ay bumaba na kami kaagad ni Troy.
Sinalubong kami ng isang staff doon sa resort at inaya kaming pumunta sa reception.

Pagpasok namin ay laking gulat ko na lamang na nandito ang mga kaibigan ni Troy at si Samantha.

"P-paanong nandito kayo?"

"Surprise" Sambit ni Kenjie.

"Kanina pa kami dito. Pinasundo kami ni Tito Sonny" Sagot naman ni Edward kaya tumango na lamang ako.

"Grabe itong second monthsary huh. I bet ano kayang mangyayari sa first anniversary" Sambit ni Kenjie.

I bet too kung aabot pa kami sa ganoong stage. And i bet if ever naman, our relationship is still fake. Psh!

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon