-3rd Persons POV-
"Von, okay lang talaga yung suot ko? Yung make up ko hindi naman makapal di ba? Shocks! Malapit na daw sila eh" Isang malutong na tingin ang binigay ni Von sa kaibigang si Samantha. Ilang beses na kasi nitong tinatanong ito sa kaibigan kung kayat hindi maalis ang pagkapikon ni Von sa kanya.
Napakamewang na humarap ito sa kaibigan.
"Samantha, ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na ayos nga lang ang damit mo tsaka yung mukha mo"Napakurot si Samantha sa pinsgi ng kaibigan.
"Sorry naman. Alam mo namang unang beses naming magkikita na kami na di ba? Yung as in, mag syota na for real"
Tinabig ni Von ang kamay ni Sam
"Eh di ikaw na ang may real boyfriend" Tinalikuran niya ang kaibigan at tumungo sa field upang maghanap ng pwesto.Sa loob ng eskwelahan ay puno ng mga ibat-ibang stall ng pagkain.
May mga ibat-iba ding booth para sa sa ilang mga laro.Napansin nito ang isang marriage booth sa di kalayuan. Napairap na lamang ito ng makita ang couple na nandoon.
"Haay! Naman talaga, mga middle school. Tsk!"
Napabalikwas na lamang si Von ng bigla siyang yakapin ni Sam mula sa likod.
"Ito naman, nagtatampo!"
"Che! Hindi tayo bati"
"Von naman! Atleast di ba may progress kayo? MU na kayo?"
"Tumigil ka na nga Samantha. Umupo ka diyan huh at bibili ako ng pagkain" Sambit nito sa kaibigan ng makakita ng pwesto. Tumango na lamang si Samantha sa kaibigan habang nakangiti.
Inisa-isa ni Von na silipin lahat ng stall. Naghahanap ito ng pwede niyang bilhing pagkain.
"Ate! Subukan mo tong dish namin sobrang afforfable"
"Ate! Kuya! Dito kayo, may mga freebies kami"
Napansin ni Von ang isang stall na pinipilahan ng marami. Lumapit siya dito upang maki-asusyo kung ano ba ito.
Halos maglaway ito ng makakita ng korean streetfood.
Waaaaaa~
Hindi na ito nag dalawang isip pa at pumili na din siya.
Habang nasa pila ay naramdaman ni Von na may humawak ng braso nito. Napalingon siya sa taong nasa likod niya.
"Ethan~"
"Kamusta?" Ngumiti si Von
"Okay lang" Simpleng tugon nito.
May inabot si Ethan na isang coupon sa kanya. May pagtataka niya naman itong tinaggap.
"May booth kami baka gusto mo bisitahin mamaya"Sinuri ni Von ang hawak na coupon.
"Salamat"
"Walang anuman. So kamusta kayo ni Troy?" Matagal bago nakasagot si Von sa tanong nito.
"Uhmm~ i think. Ayos lang naman"
"Good" Simpleng tugon ni Ethan dito. Nginitian lang siya ni Von.
Nang siya na ang sunod sa pila ay agad na itong namili ng bibilhin. Medyo madami-dami din ang binili nito kung kayat pinalagay niya sa tray.
"Mukhang madami yan. Ako na~" Kukunin sana ni Ethan ang tray upang tulungan si Von ngunit bigla na lamang dumating si Troy at inunahan siya nito.
"Magkano?" Tanong nito sa estudyanteng nag titinda.
"365 po lahat" Nilingon niya si Von.
"Kunin mo ang wallet ko" Utos nito at ngumuso upang ituro ang wallet na nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomanceShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...