Chapter 8: Second War

11.2K 202 5
                                    


Edward's POV

"So ma-una na kami" Pagpapaalam ni Daryl sa amin.
Napansin ko ang pag sulyap niya kay Dykie. Ngumiti muna ito bago niyaya ang kanyang mga kaibigan.

If you're asking; Yes, Daryl like Dykie.... so much.
But for Dykie, she's just a sister for him.

"Alam mo Dykie kung ako sayo liligawan ko na yang si Daryl. Maganda na at sexy pa! " isang batok ang natanggap ni Kenjie galing kay Dykie.
Ayaw na ayaw niya kasing binabastos ang mga babaeng malapit sa kanya.

Napasapo si Kenjie sa kanyang ulo. Natawa na lang ako sa dalawa.

"Ito naman, nambabatok agad. Oo na, hindi ko na pagpapatansyahan si Daryl"

Inakbayan ko si Dykie upang pakalmahin.

"Relax Dyk. Pero nakaka curios lang din talaga. Bakit ba ayaw mo talaga kay Daryl?"
Tinignan niya ako ng masama. Agad kong inalis ang mga kamay kong naka-akbay sa kanya.
Matapos magpa-alam ay iniwan niya na kaming dalawa ni Kenjie.

Aalis na din sana ako ng bigla na lamang ako pigilan ni Kenjie.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Bar?" nakangising sambit nito. Umiling ako sa kanya bilang sagot.

"It's mom's birthday next week, kailangan kong bumili ng regalo" Tumalikod na ako kaagad at naglakad papalayo.
Narinig ko pa ang sigaw niya ngunit hindi ko na siya pinansin pa.



Nang makita ko na ang boutique na hinahanap ko ay agad na akong pumasok.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ang picture ng bag na gustong-gusto ni mama.

Palinga-linga lang ako sa paligid ng biglang lumapit ang isang sales lady sa akin.

"Ano pong hinahanap niyo sir?"
Nakangiting sambit ng sales lady.
Inilahad ko sa kanya ang cellphone.

"Do you have this design?" Sinuri muna ng sales lady ang litrato bago matamis na ngumiti sa akin.

Is she flirting with me? Hmm, not bad; she's cute though.

"Isa na lang po ang meron kami niyan sir, dito po tayo" sinundan ko ang sales lady.
Habang naglalakad ay nag usap kami ng kaunti.

"Para po ba sa girlfriend niyo sir?" Tanong niya. Umiiling ako bilang sagot.
"It's for my mom, i don't have a girlfriend"

"Talaga po? Sa gwapo niyong yan?" I smirked bago siya tinignan.

"Ewan ko ba, walang nagkakagusto eh" tugon ko naman.

"Hala! Nagbibiro ba kayo sir? Sino naman ang babaeng hindi magkakagusto sayo?" She's definitely flirting on me 😏

Anyway, i just smiled to her as an answer. Nagbibiro naman talaga ako dahil lahat ng babae nagkakagusto sa akin.

"Hmm, ito na po pala yung bag sir" inabot niya sa akin ang bag. Sinuri ko itong mabuto kung ito nga ba ang bag na gusto ni mama.

Nang maisigurado kong ito nga ang bag ay sinabihan ko na kaagad ang sales lady na bibilhin ko na ito.
Iginaya niya ako sa cashier para makapag bayad na.

Habang inaayos ang bibilhin kong bag ay ibinigay ko na sa cashier ang aking credit card.
Ngunit ng mai-swipe na ng cashier ang aking card ay napansin ko ang pag-bago ng mukha ng cashier.

Ngumiti siya sa akin. Itinaas ko ang aking dalawang kilay upang maghiwatag kung ano ang problema.

"Sir may iba ka pa bang card? Decline po kasi" Pagkasabi palang nun ng cashier ay malalim akong napabuntong hininga.
Naaalala ko, i have a fight with dad. Sigurado akong pina-block niya lahat ng card ko. What a wrong timing.
I opened my wallet and i only have three thousand pesos. The bag cost 15 thousand pesos, hindi lang naman nangalahati ang dala kong pera.

Binunot ko ang aking cellphone sa suot kong jeans. Sana hindi pa nakakaalis ng mall si Kenjie, siya lang ang pag-asa ko.

Naghihintay na akong sumagot si Kenjie ng bigla na lamang lumapit sa may cashier ang isang babae.

"How much?" Kumunot ang noo ko. Naibaba ko ang aking cellphone at nilingon siya. She look familiar.
"15 thousand po Maam" sambit noong cashier.
"Okay. I will pay it with cash" nagsimula siyang bumunot sa kanyang wallet. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginagawa niya.

Paglapag niya ng pera ay nakisalo na ako sa usapan.

"Excuse me Miss, do i know you?" Lumingon sa akin ang babae.
Nginitian niya ako ngunit diretso lang ang tingin ko sa kanya.

"Nakaka disappoint naman. Hindi mo na ako kilala?" Tinitigan ko siya at sinuri kung saan ko ba siya nakita.

"Ipapaalala ko sayo kuya huh" namewang ang babae at tinaasan ako ng kilay
"Wag kang bibili kung wala ka namang pera" diretsong saad niya at tsaka ako tinalikuran.

Unti-unti namang nagproseso ang lahat sa akin. Naalala ko na. She's the annoying girl.

I gritted my teeth habang masama ang tingin sa kanya.

I really hate that girl. REALLY!





Edited 1/24/18 💜
Ms. Glad

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon