Chapter 40: Pain

7.8K 105 3
                                    

Von's POV

"What are you saying Mom? Can he just help us instead?"

"WHAT?! How? Mom? Mom?" Bakas sa mga mukha ni Dykie ang pagka-inis. Nasipa niya pa ang kalapit na bench upang ilabas ang kanyang galit.
Lumapit siya sa aking gawi at napahilot sa kanyang batok.

"Im sorry Von" Tumango ako kay Dykie at hinimas ang kanyang likod. Alam ko namang sinubukan niya ang lahat para matulungan ako.

"Nga pala Dyk, bakit nandito ka pala?" Kanina pa kami magkasama at ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon upang tanungin siya.
Madaling araw pa kasi kung kayat nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya dito.

"My cousin is in labor. Kararating lang ng husband niya galing ng abroad kaya ako ang naghatid sa kanya dito"

"Kamusta na siya?"

"Shes fine. And huwag mo na isipin muna ang ibang bagay. Hindi mo pa rin ba makontak si Troy?" Umiling ako kay Dykie. Napayuko na lamang ako upang itago ang aking pagkadismaya.

Sigurado naman akong may rason si Troy kung bakit wala siya ngayon dito ngunit hindi ko maiwasang mag alala. Kilala ko siya at hindi nito nakakalimutang mag text o di kaya tumawag sa akin. Sinabi din nitong babalik siya. Si Troy ang klase ng tao na hindi binabale ang kanyang ipinapangako.





-3rd Person's POV-

"Get out of my way" May ma autoridad na sambit ni Troy sa mga guards na nakatayo sa harap nito. Ngunit hindi ito nakinig sa kanya at pinigilan lamang si Troy na makalabas ng mansyon.

"Naririnig niyo ba ako? I said get out of my way!!"

"Sorry Young Master, sumusunod lang kami sa utos"

Napahilamos na lamang si Troy sa kanyang mukha at bumalik papasok ng mansion. Padabog itong tumungo sa kanyang kwarto at agad na hinanap ang kanyang cellphone.
Nang hindi niya ito makita ay napasuntok na lamang ito sa pader. Nagkasugat ang mga kamao nito ngunit kahit kaunti ay wala itong maramdamang sakit. Tumungo siya sa teleponong nakalapag sa kanyang table ngunit hindi ito gumagana. Sunod-sunod ang mura nito ng mapansing sindyang putulin ang wire dito.
Lalabas sana siyang muli sa kanyang silid ngunit laking gulat niya ng hindi na nito mabuksan ang pintuan.

"What the f***!!!" Maka-ilang ulit sinipa ni Troy ang pintuan ngunit nasasaktan lamang siya sa kanyang ginagawa. Itinipon niya sa sahig lahat ng bagay na mahawakan upang ilabas lahat ng galit.



Madaling araw ng biglang bumukas ang pinto ng silid ni Troy. Agad itong napatayo sa pagkaka-upo sa sahig.

"Vic" Inabot sa kanya ni Manong Vic ang susi ng kanyang kotse.
Hindi naka imik si Troy bagkos tinapik lang nito ang balikat ni Vic.

"Its a pleasure serving you Young Master" Yumuko si Manong Vic upang magbigay galang kay Troy.
Napabuntong hininga na lamang si Troy dahil alam nito ang mangyayari sa kanyang driver sa pagtulong nito sa kanya.

"Its my pleasure. Thank you for your loyalty Manong Vic"

"Kailangan mo ng umalis. Ako ng bahala sa mga guards" Tumango si Troy at agad na silang kumilos.

--

"Von, umidlip ka muna" Anang Dykie ng mapansin ang mga matatamlay na mata ng dalaga.

"Ayos lang Dyk. Hindi din naman ako makakatulog" umusog papalayo si Dykie at hinila si Von dahilan upang mapahiga ito sa paanan ng binata.

"No need to sleep. Just rest for a while baka ikaw naman ang himatayin" Hindi na lamang umimik si Von.

Ilang minuto din ang nagdaan at hindi na namalayan ni Von na napapikit na pala siya. Hindi naman maiwasan ni Dykie na mapatitig sa mukha ng dalaga habang ito ay natutulog. Inayos nito ang buhok ni Von na nasa mukha at hinimas ang ulo ng dalaga.

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon