Chapter 12: Enemy

9.6K 173 12
                                    


Von's POV

Friday, ito ang araw na gusto kong mawala sa kalendaryo!
Kung bakit kasi kina usap-usap ko pa yung papa ni Troy eh! Sana pala hinayaan ko na lang siyang mapakasal sa fiancee niya.

Haaist!

"Bessy, yung pagkain hindi pinaglalaruan" sambit ni Sam sa akin at nilamon ang burger niya. Itong babaeng tao parang PG kung kumain pero hindi naman tumataba ~_~

Ibinaba ko ang tingin sa aking plato, parang giniling na ang inorder kong pancit. Sorry naman, stress lang ang lola niyo.

"Wala lang talaga sa mood bes. CR muna ako huh, kain ka lang diyan" hindi na naman siya umimik at panay lamon lang ng kanyang pagkain kaya nagmadali na akong pumunta ng banyo.

Pagpasok ng banyo ay ginawa ko na ang dapat kong gawin, pagkatapos ay naghugas na ako ng kamay sa sink.

Bigla ko namang napansin ang pagdating ni Misty.
Hindi ko na lamang siya pinansin, kunwari hindi ko siya nakita.

"Gosh! Ang sama naman ng hangin dito sa cr" Pagpaparinig niya, i just rolled my eyeballs. As usual, banyo kaya to no. Ang bobo lang huh.

Matapos mag hugas ay lalabas na sana ako ngunit dahil sobrang papansin talaga ng Misty na ito, bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Wag kang bastos! Kinakausap kita!"

"Ako pala kausap mo? Sorry akala ko kasi iyong basurahan" sarkastikong sambit ko.

"Sa tingin mo nakakalimutan ko na yung ginawa mo sakin!"

Tumaas ang kilay ko sa sinambit niya.

"Wow! Bakit anong ginawa ko sayo? Remember kayo ang may kasalana---"

*PAK!

"Ouch! Ang sakit naman ng kamay ko matigas pala yang mukha mo!" Napakagat ako sa aking labi.
So she just want a revenge. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao bago huminga ng malalim.

"Nakuha mo na ang gusto mo kaya bitawan mo na ako" kalmadong sambit ko sa kanya.
Akala ko ay pakakawalan niya na ako ngunit naramdaman ko ang sunod-sunod na pag hapdi ng aking pisngi.

*PAK

*PAK

"Gusto mo pa?" Nanggigil na sabi niya.

This girl is a psycho.

"Just please stop.." Sambit ko habang sinusubukang makawala sa pagkakahawak niya.

"Sa tingin mo tapos na ako" hinila niya ang buhok ko at tinulak, kaya napahiga ako sa sahig.
Shit! Ang sakit ng puwet ko, parang feeling ko may nabaling buto doon.
Akala ko tapos na siya ngunit naramdaman ko ang pagpatong niya sa akin.
Napangiwi ako dahil sa tingin ko mas lalong sumakit ang pwet ko.

Sinimulan niyang sabunutan ang aking buhok. Sinubukan kong abutin ang buhok niya ngunit shit lang bakit ang ikli ng buhok niya.

Feeling ko ay makakalbo na ako dahil sa lakas ng pagkaka-hila niya ng buhok ko.

Dahil nga hindi ko maabot ang kanyang buhok ay braso niya na lamang ang napag-diskitahan ko.
Kinagat ko ang braso niya. Akala ko patas na ang laban ngunit bigla na lamang niyang pinukpok ang ulo ko sa sahig.

Nakaramdam ako ng pagkahilo.
Bumigat ang mga mata ko.
Nakarinig pa ako ng sigaw bago ako mawalan ng malay.

"Oh my god! Misty stop!!"



(Edited 4-14-18)

To be continued...

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon