Chapter 25: She's Broke

6.6K 104 2
                                    


-Sam's POV-

Araw ng linggo kung kaya't naisipan kong gumala.

Niyaya ko si Von ngunit may lakad daw sila ng pamilya niya. Sinubukan ko din si Edward ngunit may pupuntahan daw ito.

Habang nag a-ayos ay napapakagat na lamang ako sa aking labi ng maalala ang mga nangyari noong isang araw.



Flashback~

"Gusto mo kumain muna? May isang oras pa naman bago mag simula ang movie"
Tanong sa akin ni Edward. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Saan mo ba gustong kumain?" Napalingon-lingon ako sa paligid.

"Fast food na lang baka kasi ma miss natin ang movie" Sagot ko. Tumango naman siya sa akin.

Pumasok kami ng Mcdonalds dahil ito din naman ang pinakamalapit sa movie theater.
Nag presenta si Edward na mag order kaya hinayaan ko na lamang siya. Ang sabi nito ay siya naman ang nagyaya kaya siya na ang bahala sa lahat.

Hindi ko namalayan na nakatutok na pala ako sa kanya habang nag hihintay.
Why does his movements are slowing?
Geez! Napailing ako dahil baka mapansin ni Edward na nakatutok lamang ako sa kanya.

Sinubukan kong libangin ang sarili sa paglalaro sa aking cellphone ngunit mayat-maya pa rin ang lingon ko sa kanya.
Sa pag o-obserba ko ay napansin ko ang isang middle school girl na nagpapa-kyut sa kanya.
Ewan ko lang kung napansin ba ni Edward ngunit kitang-kita ko kung paanong sinadya ng babae na umusog upang makuha ang pansin ni Edward.

Humingi siya ng pasensya kay Edward. Pansin ko kung paano siya magpa cute sa harap nito.
Nang makapag order na ang babae ay napansin kong may sinulat siya sa resibo.
Inabot niya ito kay Edward bago umalis bitbit ang order niya.

Takhang tinignan lang ito ni Edward ngunit nakita kong isinuksok niya ito sa kanyang bulsa.


"Nabusog ka ba?" Sambit nito ng makalabas kami. Tumango ako sa kanya bilang sagot.
Naglakad na kami papuntang cinema.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
I guess i trusted him easily.

Ewan ko ba sa dinami-dami ng upuan ay yung couple sit pa ang pinili niya.
Wala tuloy takas na magdidikit talaga kaming dalawa.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang palabas. Alam kong hindi ko hilig ang horror pero pumayag ako sa gusto ni Edward dahil matagal na daw niyang hinihintay ang palabas na ito.

Napapikit na lamang ako habang mahigpit ang hawak sa bag ko nang biglang lumabas ang pangit na mukha noong nasa movie.

Naramdaman ko na lamang ang mainit na palad ni Edward na nakapatong sa aking kamay.

Napatitig lamang ako sa kanya.

"We can go out if your uncomfortable" Sambit nito. Umiling ako.

"Hindi ayos lang ako" Humarap ako muli sa screen ng magbago ang scene.

Habang tumatagal ay alam ko na kung saang pagkakataong lumalabas ang mga nakakatakot na scene.
Bigla na lamang kumagat ang dilim sa palabas kaya alam ko na kaagad ang kasunod.

Bago ko pa man maipikit ang aking mga mata ay napansin ko ang paglapit sa akin ni Edward. Hinarap niya ang sarili sa akin kung kayat nawala ang atensyon ko sa palabas.

"Ako na lang muna ang tignan mo kapag hindi mo gusto ang scene" Sambit nito. Napatango ako sa kanya habang nakatitig sa kanyang gwapong mukha.

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon