Von's POV
"Von!" Isang malakas na hampas ang ibinigay sa akin ni Sam ng makalapit siya.
Itong babaeng to talaga palagi na lang akong binubugbog. Kapag nagka-asawa ang isang to sorry na lang talaga, battered husband."Aray naman Sam" reklamo ko sa kanya at tsaka ipinagpatuloy ang paglalakad. Tapos na ang klase kaya ngayon ay papalabas na kami ng campus.
"Ang bingi mo kasi eh, kanina pa kaya kita kinakausap"
"Ano ba kasi yung sinasabi mo?"
"Pasyal muna tayo" nakangiti niyang sambit. Uhmm, i like the idea. Hindi pa pala kami nakakapasyal simula noong umuwi siya.
"Hoy Von kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo sa labas!" Biglang sigaw ng classmate ko sa akin. Kunot-noo ko siyang nilingon.
Boyfriend? Sinong boyfriend? Sa pagkaka-alam ko naman kasi ay wala akong boyfriend.
Hindi ko na lamang pinansin ang ka-klase ko at pinagtuonan ng pansin si Sam.
"Saan tayo Sam? Malling" nakangiti kong sambit sa kanya.
Nang tuluyang makalabas ng building ay tumayo na muna kami sa isang gilid upang hintayin si Manong George.
Nag-kwentuhan na lang din muna kami ni Sam sa mga gusto naming gawin pagdating ng mall."Why don't we.." Hindi na natapos ni Sam ang sasabihin ng bigla na lamang may sumulpot sa harap namin.
Isang lalaking sobrang itim ng aura at masama ang tingin sa akin.
"I called you hundred times" malamig niyang tugon. Napalunok ako ng laway, ayaw kong ganito ang mood niya eh. Halimaw ang isang to.
Hindi ko ipinahalata sa kanya na medyo natatakot ako kaya itinaas ko ang aking kilay."Sorry, naka silent phone ko eh" Kalmadong sambit ko. Pero shit! Wala akong pakialam sa cellphone ko eh. Nasa locker nga lang yun ngayon.
"Tsk" maiiksing sambit niya bago hinila ang aking kamay.
"Teka nga! Saan mo ba ako dadalhin?" itinaboy ko ang kamay niya at bumalik muli sa tabi ni Sam. Grabe tong isang to! Makahablot naman.
"Hindi ako sasama sayo ngayon, may lakad kami ni Sam" Pumasok na ng kanyang kotse si Sam kaya sumunod na din ako sa kanya.
"Then fine, i guess your sister's wish would not come true" Napahinto ako ng marinig ang sinabi ni Troy."Anong sabi mo?"
"Your sister want to meet me right? Im free today, well my only free day. Plano ko sanang bumisita sa bahay niyo but i guess your..."
"NO! I mean yes, pupunta tayo sa bahay ngayon"
Walang pag dadalawang sagot ko. Napalingon ako kay Sam at napasimangot na siya."Sammy, im sorry. Ngayon lang talaga, please."
Sam sighed.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko?""MICAH!!" Halos masugatan na ang lalamunan ko dahil sa malakas kong sigaw. Sorry naman, excited lang kasi ang lola niyo.
Iritableng lumabas ng kwarto si Micah habang bitbit ang kanyang libro. Alam kong magagalit to dahil naistorbo na naman ang kanyang pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomanceShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...