-3rd Person's POV-
Earlier
Mag isang nag ikot-ikot si Kenjie sa Andersons University. Sinubukan din nito ang ibat-ibang activity na ino-offer ng mga booths.
Nang mabagot ay napag desisyon na lamang nitong ma upo sa tabi upang maka-pagpahinga.Napakamot ito sa kanyang batok.
"Bakit ba ako sumama dito gayong ma o-OP lang naman ako" Napainom ito sa hawak na bottled water at prenteng sumandal sa kinauupuang bench.Naipikit nito ang kanyang mga mata.
Samantala, sa di kalayuan; kasama ang iilang kaibigan ni Janelle ay napansin nila ang presensya sa naka-upong si Kenjie.
Napatitig si Janelle.Siniko siya ng kanyang kaibigan kung kayat agad nitong iniwas ang tingin si binata.
"Nelle, di ba yan yung kaibigan ng boyfriend ni Von at Sam. Yung wallpaper mo!" Dali-daling tinakpan ni Janelle ang bibig ng kaibigan dahil sa sinambit nito.Nasapak niya ito sa braso.
"Ano ka ba! Baka marinig ka!" Mahinang bulong nito."Alam mo pagkakataon mo nato. Di ba sabi mo hindi kayo nagka chance mag usap sa speed dating. Sandali!" Ngumisi ang kanyang kaibigan at lumapit sa isang kalapit na
booth.Hindi nag tagal ay kasama na nito ang isang estudyanteng may dalang chain.
Sinamaan ng tingin ni Janelle ang kaibigan.
"Gaga! Anong ginawa mo?!" Bulyaw niya dito ngunit nginitian lang siya. Aalis na sana ito ngunit huli na dahil naka-chain na ang mga kamay nito.
Halos lumawa ang mga mata ni Janelle dahil dito."Goodluck Nelle. May utang ka sa akin huh, 50pesos din ang kalahating oras eh"
Napabuntong hininga na lamang si Janelle habang sapo-sapo ang noo.
Kasama ang estudyante sa Chain-booth ay sabay silang lumapit kay Kenjie.
"Excuse po" Napamulat ng kanyang mga mata si Kenjie.
Agad napako ang tingin nito sa kamay ni Janelle.
Hindi nagtagal ay binaling niya ang mukha sa dalaga."Ohh! You look familiar" Mapait na ngumiti na lamang si Janelle.
"Uhhm- kuya, ikaw po si Kenjie di ba?"
Tumango ito bilang sagot sa estudyante."Oo, ako nga. Bakit?" Walang pasabing ikinabit na din ng estudyante ang lock kay Kenjie.
Medyo ikinagulat niya pa ito ngunit sa huli ay hindi na lamang ito umimik."May 30 minutes po kayo. Goodluck" Napatango na lamang si Janelle dito.
Nang makaalis ito ay bumalot ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.Ilang segundo pa ito parehong napapa-iwas ng tingin bago lakas loob na nagsalita si Kenjie.
"Your friend with Sam and Von right?" Nahihiyang tumango si Janelle bilang sagot.
"So, you like me?" Diretsong tanong ni Kenjie dito.
Ikanagulat ni Janelle ang pagiging prangka nito.Napalunok ito sa sariling laway bago nilingon ang binata.
"N-no" Napakunot si Kenjie ng kanyang noo bago napatawa.
"I-Im y-your fan"
Biglang umasim ang mga mukha ng binata.
"May kaibahan ba yun?""Y-yeah. Im just a fan but i dont like you" Mas lalong na confuse si Kenjie dahil dito. Napangiti na lamang ito.
"Anyway, gusto mo maglakad-lakad?"
Tumango si Janelle bilang sagot.Samantala, hindi naman maiwasang mapatitig nito sa mukha ng dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/16648660-288-k419758.jpg)
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomanceShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...