-Sam's POV-
"Oo nga Sam medyo may hawig kayo ng kaunti" Inilapit pa ni Von ang kanyang cellphone upang ma compare ang mukha namin ng kapatid ni Sir.
"Kamukha mo din si Sir Mico" sinamaan ko ng tingin si Von at inagaw ang cellphone ko.
"Pinapatawa ka lang ang seryoso mo eh"
"Alam mo Samoy masyadong kang nag o-overthink sa bagay-bagay. Baka naman kapatid" Shes referring sa kasama ni Edward kahapon."Dalawa lang silang magkapatid at lalaki pa"
Napakamot siya sa ulo.
"Pinsan?" Sambit niyang muli. Hindi na ako umimik at nagpatuloy sa pagsusulat sa aking notes."Tawagan mo kaya hindi yung nag gaganyan ka. Tapos binlock mo pa yung number ng tao eh paano makakapag paliwanag!"
"Kung tatawagan ko baka maging desperada ako"
Napa-iling na lamang si Von at napatayo. Wala pa ang kasunod na Prof namin kung kayat nakipag kwentuhan ito kina Janelle.Hindi nag tagal ay bigla na lamang itong nagtatakbo pabalik sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin ng matamaan niya ang aking table kung kayat napunit ang notebook ko.
"Ano ba problema mo Von?"
"S-Sam" Itinuro nito ang hawak na cellphone na nakadikit sa kanyang tenga.
"Huh?"
"S-Si Edward nasa labas ng school"
"Ano?!"
Dahil sa pag pupumilit ni Von ay lumabas na ako ng school upang puntahan si Edward. Sabi nito ay siya na lamang ang gagawa ng paraan para kapag darating ang Prof namin.
Nanlalamig ang buo kong katawan dahil sa kaba. Hindi ako handa sa sasabihin niya.
Nang malapit na ako sa exit ay bigla na lamang akong napahinto.
Para bang nanigas ang mga paa ko at ayaw ko ng humakbang.Pero habang naiisip ko na nag laan ito ng panahon upang pumunta dito ay naiisip kong importante ang sadya nito.
Buong lakas kong hinakbang ang mga paa at tuluyan ng lumabas.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Edward na prenteng nakasandal sa kotse niya.
Umiwas ako ng tingin at naglakad papalapit sa kanya.Binati niya ako at pinagbuksan ng pinto ng kanyang kotse.
"Uhmm~ i still have a class"
"Sa loob ng kotse tayo mag-usap kung okay lang?" Tumango ako sa kanya at pumasok ng kanyang kotse. Nang maisara niya ito ay umikot siya ng driver sir.
Pagkasara niya ng pinto ay bumalot ang katahimikan.Ilang segunda kaming tahimik na dalawa ng bigla ng unang mag salita si Edward.
"Kahapon---" Hindi man ako
nakatingin sa kanya ay pansin ko ang pagtitig niya sa akin."May i know kung sino ang kasama mo?" Kunot-noo ko siyang binalingan.
"I think ako ang dapat mag tanong sa iyo niyan" Iritableng sambit ko.
"She's my cousin" Napabuga ako ng hangin.
"Do you think maniniwala ako?" Pagtataray ko sa kanya.
"It's up to you but i am telling the truth"
"Paano kita paniniwalaan. Ganoon na ba kayo ka sweet ng pinsan mo at hahalikan ka niya" Hinarap ni Edward sa akin ang kanyang cellphone.
Ipinakita niya sa akin ang isang litrato. Base sa ambiance at damit na suot ng babaeng nakita ko kahapon ay nasa hospital ito. Kasama niya si Edward at isa pang may kaedarang babae.Dinurog ang puso ko dahil yung babaeng nakasuot ng hospital gown ay halos wala ng hibla ng buhok. Noong una ay hindi ko ito nakilala ngunit habang tumatagal na tinititigin ko ito ay napagtanto kong siya nga itong babae kahapon.
"Sabel is 9 years when we found out na may stage 3 cancer siya. Every Sunday dinadala ko ito sa arcade. Its just a way para malibang siya kahit papaano" Hindi ko namalayan na habang nagku-kwento si Edward ay naiyak na pala ko.
Masyado kong hinusgahan si Edward pati na din ang pinsan niya. Nakunsensya ako kung bakit ko naiisip ang mga masasamang bagay.
"S-Sorry Edward. Im so sorry" Nasambit ko na lamang at pinunasan ang luha ko.
"It's okay" Hinimas niya ang aking likod upang akoy patahanin.
"How is she?" Tanong ko.
"Sa ngayon tuloy pa rin ang treatment niya and i think shes doing fine" Mapait ako na ngumiti.
"I am hoping for her full recovery"
Ngumiti sa akin si Edward."Pwede ko na bang malaman kung sino yung kasama mo kahapon?"
Ang ngiti nito sa labi ay napalitan ng simangot."Nagseselos ka ba sa prof ko?" Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko.
"Professor mo? Paanong magkasama kayo kahapon at yakap-yakap mo pa?"
"Aksidenteng nagkita lang kami sa mall tapos nagkayayaan lang mag arcade at yung yakap naman---" Ikinuwento ko sa kanya ang dahilan ng pagyakap ko kay Sir. Ayaw niya pa sanang maniwala mabuti na lamang ay ipinakita ko sa kanya ang litrato ni Sir at kapatid nito kaya na convince siya.
"Mabuti pa siya"
Nag iwas ito ng tingin at tumalikod sa akin.Napangiti na lamang ako at niyakap siya sa likod upang suyuin.
"Okay na?" Hinawakan niya ang kamay ko at humarap sa akin. Iniyakap niya ang aking mga kamay sa kanyang leeg kaya napa-usog ako malapit sa kanya.
Halos maduling pa ako dahil sa sobrang lapit ng mukha namin."I will court you" Diretsong saad nito. Hindi ako naka-imik dahil sa sinabi niya.
"Samantha Mercado i said i will court you" Habang nakatingin sa kanyang mga mata ay napatango ako.
"Teka!!" Napalayo ako sa kanya ng may bigla akong maalala.
"Bakit?" Takhang tanong nito.
"Yung nasa Mcdo tayo may babaeng nag bigay sayo ng number. Tinext mo ba yun?" Napa isip si Edward.
"Yun bang middle school na babae? Haha" May hinablot si Edward sa kanyang glove compartment.
Inabot niya sa akin ang ang isang piraso ng papel.
Binasa ko ang nakasulat dito."Kuya, di ba kapatid mo sa Emmanuel? Paki-bigay naman ito sa kanya hihi <3
09*********""Ahh~ sa kapatid mo pala. Ang cute naman" Napangiti ako at binalik ito sa kanyang compartment.
"Anong sabi ng kapatid mo?"
"Hindi ko pa nabibigay"
"ANO?!" Hinampas ko siya sa braso
"Kawawa yung bata baka nag hihintay"
"Bawal pa mag girlfriend kapatid ko" sinamaan ko siya ng tingin at namewang.
"Ibibigay mo hindi ako magpapaligaw?" Nakita ko kung paano manlaki ang kanyang mga mata.
"Bakit naman nasali ang panliligaw ko?"
"Paano kung sila yung naka destiny? Malay mo plano talaga ng Diyos na magtagpo kayo ng araw na iyun para ikaw ang maging daan sa kanilang dalawa? Hindi mo ba yun naisip?" Napatawa si Edward at kinurot ako sa pisngi.
"Kagaya ng pagtagpo natin?"
Napatahimik ako ng bigla na lamang ngumiti si Edward.
Lumapit ito sa akin kaya napa-usog ako.
Naramdaman ko na lamang ang pinto at napagtantong dulo na ito.Isang dangkal na lang siguro ang mukha ni Edward sa akin.
"I think were destined too" Napasigaw na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto ng kotse. Nahawakan ko pala ang door handle at aksidenteng nabuksan ito.
Nahawakan ni Edward ang aking bewang ngunit ang mas napansin ko kung paano lumapat ang labi niya sa akin kahit ba dampi lang iyun.Sa mga oras na ito gusto ko na lamang ipukpok sa sarili ang door handle dahil sa sobrang hiya.
Edited 4-28-20 ❣
Ms. G 💙
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
Lãng mạnShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...