Chapter 9: New Classmate

15.6K 260 6
                                    


Von's POV

Monday.
Dahil maaga ang klase ko ay maaga din akong pumasok. Gaya ng dati ay madaling araw palang gising na ako.
Halos sampung taon na din na ganoon ang routine ko, kaya sanayan lang yan.
Hindi naman ako tinatamad kahit na pa ulit-ulit na lamang ang aking ginagawa. Ganoon nga siguro, kapag mahal mo ang pamilya mo magtitiis ka talaga.

"Oh Anderson's Academy" bumaba na ako ng jeep nang huminto ito sa harap ng eskwelahan.
Naglalakad na ako patungo sa aking room ng makasalubong ko ang taong matagal ko ng pinatay sa aking buhay.

Mabilis akong nag iwas ng magtama ang aming mga mata.
Ang hirap mag move-on lalo't araw-araw kaming nagkikita dito sa campus.

Mas binilisan ko pa ang lakad para hindi ko na makita ang pagmumukha niya.

Pagpasok ko palang ng room ay una kong napansin ang maganda kong kaibigan. Himala, maaga ang isang to. Nang makita ako ni Sam ay sinalubong niya ako. Masaya niyang pinulupot ang kanyang mga kamay sa aking braso.

"I have something to tell you" nakangiting sambit niya. Kumunot ang noo ko. May kakaiba talaga sa babaeng ito

"Anong problema mo Samoy?Nakakain ka ba ng pulbos? -_-"

*boink!

Ang ganda ng bati niya huh. Na touch ako.

"Wag ka nga magbiro ng ganyan Von. I have a good news"
Abot tenga niyang ngiti. Hindi ko siya pinansin at umupo na sa armchair ko.

"Guess what, nakaganti na ako sa lalaking nakaayaw ko noong isang araw" walang emosyon ko siyang tinitigan. Akala ko naman kung anong good news ang gusto niyang sabihin.

"Okay" sambit ko at binuksan ang aking libro.

*boink
Isa na lang tong babaeng to. Nakakarami na ah!

"It's a big thing tapos ganyan lang reaction mo?" Nakapamewang niyang sambit habang nakatayo sa harap ko.

"Anong gusto mo magpa-fireworks ako?" Sarkastiko kong tanong. Nag pout siya at padabog na na-upo sa kanyang upuan.

"Your so mean"
Bumuntong hininga ako at nilapitan siya.
"Sorry na bes. Sige mamaya mag celebrate tayo huh, basta libre mo" I grin habang tinutusok ang tagiliran niya.
Maya-maya pa ay napansin ko ang pag ngiti niya.
"Fine" sambit niya. Na-upo na akong muli ng makita ang professor na pumasok.

Natapos ang dalawang subject ng matiwasay. As usual, naka survive naman ako. Lalo na sa Trigo, diyos ko sino naman ang hindi ma go-good vibes kung si Sir Mico ang magtuturo. Crush ko yun eh, ang gwapo kasi tapos ang bait pa . In short perfect siya hahaha

"Teka Von sino yang pinagkakaguluhan diyan?" Tanong ni Sam sa kalagitnaan ng pag day-daydream ko.
Napalingon ako sa kung saan nagkukumpulan ng mga ka-klase ko. PE ang nezt subject namin kaya nasa gym kami ngayon.

"Baka naman may artista" biro ko. Hindi ko din naman kasi talaga ang alam kung sino o ano ang pinagkakaguluhan nila.

Hindi na lang kami nakisalo sa kaguluhan at tahimik na umupo habang hinihintay ang teacher.

Pero dahil sa kuriosidad ay palingon-lingon ako sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto na tao ang pinagkakaguluhan.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang hood.

Anyway, nawala ang focus ko sa kanya ng biglang dumating ang Professor namin.

"Good morning everyone" sambit ni Sir Pat. Bumati kaming lahat pabalik sa kanya.

"Since the intramurals is coming, our activity will be related on it. This will gonna be your final exam for this Semester. We will dance" Ibat-iba ang reaction ng lahat sa sinambit ni Sir. Kadalasan ay hindi pabor.

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon