Von's POV"Micah ano ba gusto mong ipaglaban?" Sambit ko sa aking kapatid habang pilit ibinababa ang paldang ipinasuot niya sa akin.
Yung damit ko naman crop top.
Ang alam ko kasi sa paaralan ako papunta hindi po sa bar -_-"Ate na realize mo ba na sa Hemsworth University ang punta mo?" Inirapan ko siya. Ano naman ngayon?
"Duhh!.. Boyfriend mo isang Troy Hemsworth tapos susuot ka ng pang manang?" Umasim ang mukha ko sa sinambit ng aking kapatid. Para kasing namemersonal ito."Von hindi pa ba kayo tapos diyan? Nandito na si Troy" tila ba ay kumabog ang puso ko sa narinig. Hooy! Bakit ka na e-excite?
Matapos ang ilang pang ka ekekan ni Micah ay bumaba na kami."Hello kuya Troy" Oh di ba mas una pa bumati ang kapatid ko.
Napalingon ako kay Troy, as always gwapo siya. What?! Erase nga bakit yan ba naiisip ko."Kuya Troy okay ba? Ang ganda ni ate no?" Sambit ni Micah. Gusto kong takpan ang bungaga ng kapatid kong napaka-ingay. Kahit ano na lang nasasabi eh. At tsaka wala na akong dapat pa e- expect sa lalaking yan dahil pangit naman ako sa paningin niya.
"Yeah, she's beautiful" Oookay. Hindi ko expected na yun ang sasabihin niya.
Naigilid ko ang aking mata bago naidikit ang aking labi. Bwesit na Troy to! Pinapakilig na naman ako.
Napahaplos ako sa aking dibdib. Ayan ka na naman eh. Bakit ba sumisikip ka.-Hemsworth University-
"Are you ready?" Tanong sa akin ni Troy. Takha ko siyang tinitigan. Ano ba pupuntaha namin gera? Eh susuporta lang naman ako sa bestfriend ko.
Ngayon ay Annual Cooking Contest of all Universities. Si Samantha ang representative ng aming paaralan at dito ito gaganapin sa Hemsworth University."Bakit may problema ba? Tanong ko sa kanya.
"Look outside" inilibot ko ang tingin sa paligid? Anong meron? Bakit ang daming tao na nakapalibot sa sasakyan. Kadalasan dito ay mga babae.
"It might sound corny. But they're my fanbase" Wow!
Grabe huh, nasa fanmeeting ba kami?! Ang alam ko kasi nasa paaralan kami wala sa isang stadium."Just don't mind them. Huwag ka lang humiwalay sa akin kung gusto mo pang mabuhay"
Napalunok ako dahil sa sinambit nito.
Una siyang lumabas ng sasakyan. Rinig na rinig ko kaagad ang tilian ng lahat.Ayaw ko na sanang lumabas ngunit inilahad na ni Troy ang kanyang kamay. Ewan ko lang kung tama bang tinaggap ko ang kamay niya ngunit huli na ng maisip ko ito dahil nakalabas na ako ng sasakyan.
Hindi binitawan ni Troy ang aking kamay bagkos ay mas hinigpitan niya pa ang hawak dito.
Nakita ko kung paano na dismaya ang lahat ng makita ako."Siya ba ang pinalit kay Cloe? Hindi naman kagandahan"
"Hala! Ang tapang ng babaeng yan para pumunta dito!"
"Bwesit! Nakahawak pa sa kamay ni Troy!!" Hooy, ang Troy niyo kaya ang humawak sa kamay ko, hindi po ako no!!
Tinanaw ko si Troy at diretso lang ang tingin niya. Sanay na siguro siya sa ganitong eksena. Maraming bumabati sa kanya ngunit hindi niya pinapansin.
Sinubukan ko na din iwasan yung mga tingin nila. Kasi naman eh, parang gusto nila akong kainin ng buhay.Dumiretso kami sa isang parang silid di kalayuan sa parking.
Sinalubong kami ni Edward."Nandito na pala kayo. Pasok pasok" Mukhang tambayan nila ito. Kumpleto pa sa gamit mukhang bahay lang ah.
Pina-upo ako ni Troy sa couch. Nilapitan naman ako ni Dykie at inabot ang isang juice.
"How are you Von?" Tanong nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya."Ayos lang. Salamat nga pala ulit doon sa poster ni Gian huh" nginitian ako ni Dykie
"No problem" ginulo niya ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomansaShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...