Chapter 20: Insecure

7.6K 135 2
                                        


Von's POV

"Ito? Ay pangit. Ito na lang siguro" Itinapon ko itong muli sa kama ng mapagtantong hindi naman maganda yung combination ko. Ibinaon ko ang mukha sa unan at sumigaw.

"Ate, ito oh!" Inangat ko aking ulo.

Inabot sa akin ni Micah ang isang denim na dress at white t-shirt.

Walang pagdadalwang isip na kinuha ko ito at dali-dali ng isinuot dahil alam ko namang mas may sense of fashion itong kapatid ko. Nang maisuot na ang damit na ibinigay sa akin ay hindi nga ako nagkamali. Maganda itong tignan sa akin.

Sinuklayan ko ang aking buhok bago nagpahid ng pressed powder sa aking mukha. Naglagay na din ako ng kaunting tint sa aking labi at pisngi.

"Okay na ba?" Nagpa ikot-ikot pa ako sa harap ni Micah. Nag thumbs-up ito at ngumiti sa akin.

"Ang ganda mo ate. Huwag ka ng ma insecure doon kay Steffi huh" Hinampas ko ng mahina ang aking kapatid.

"Kailan ako naging insecure sa kanya" Sambit ko habang inaayos ang aking buhok sa harap ng salamin

Nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya sa refleksyon ng salamin. Kita mo to! Nang-aasar pa. Inirapan ko siya at nagmadali na sa aking ginagawa.
Napalingon ako sa wall clock. Darating na ang sundo ko maya-maya.

Nang makuntento ay lumabas na ako ng silid. Sakto naman dahil dumating na si Troy.
Sinalubong ko siya sa labas ng bahay.

Bumaba ito ng kanyang kotse. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang gwapong mukha.
Bakit ba kahit naka plain shirt lang siya tapos baggy pants at slider ang gwapo niya pa din.

"Ate napaka-obvious mo!" Nagtimpi ako ng galit ng sumulpot na naman ang kapatid kong parang 40 years old kung umasta.

Babatukan ko sana ito ngunit tumakbo na ito papalit kay Troy. Yumakap pa ito kaya napairap na lang ako.

Matapos makapagpaalam kina Mama ay umalis na din kami kaagad ni Troy. Habang sinusuyod ang daan ay tahimik lamang kaming dalawa.
Mayat-maya ang lingon ko sa kanya. Hindi ko kasi maiwasang tignan siya gayong napakaamo ng mukha nito lalo na kapag tahimik.

"Baka matunaw ako" Agad akong napabalikwas ng bigla itong lumingon sa akin.
Nahihiya kong inipit ang aking buhok sa gilid ng aking tenga.

"Anyway, you look so good" Naramdaman ko na uminit ang aking pisngi sa sinambit ni Troy.
Napahimas din ako sa aking dibdib.
Diyos ko naman Von, pigilan mo please.






-Hemsworth Mansion-

Nasabi ko na bang sobrang ganda ng bahay nila Troy. Kahit ilang beses na akong nakapunta dito ay namamangha pa rin talaga ako kapag nakakabisita ako sa mansion nila.
How come, only 2 persons living here minus yung mga katulong tsaka driver.

Pagpasok namin sa malaking bahay ay sumalubong sa amin si Steffi.
Ewan ko ba kung bakit, ngunit ng makita ko ang mukha niya bumaba kaagad ang tingin ko sa sarili. Naka denim skirt ito at crop top na off shoulder. Hindi ko tuloy maiwasan hilain pababa ang aking suot na dress dahil sa sobrang kinis ng legs ni Steffi.

Ngumiti sa ito sa akin pagkababa ng hagdan. Nakipag-beso siya sa akin.

Ngumiti lang ako pabalik sa kanya.

"Tito is waiting, lets go" sambit nito at naglakad patungo sa dining. Sumunod na din kami ni Troy sa kanya.

Pagpasok na pagpasok palang namin ng dining ay pansin ko na kaagad ang malaking ngiti ni Tito sa akin. Lumapit ito at nakipag beso bilang pagbati.

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon