WARNING: Medyo madaming mura.
Chapter 2-- Aeon..
"Pare, nakita mo ba yung mukha ni Irish nung binreak mo siya? Putek, parang batang inagawan ng candy eh! Hahaha!" Tawa ng tawa si Aidan habang bumibili ng softdrinks. Binigay niya ang bayad niya sa babaeng nagtitinda na mukhang kaedaran namin. Nang inabot na sa kanya yung sukli kinandatan siya ni Aidan kaya naman namula yung babae.
"Lagi namang ganun yun, kaya nga nagsawa ako. Walang thrill." Kibit balikat kong sagot.
"Sayang, ganda rin eh, Nagalaw mo ba?" Tanong ni William.
Tumingin ako sa kanya. "Tinatanong pa ba yan?"
"Virgin pa 'no?" Tanong ni Jace.
"Kaya nga hinihiling na panagutan at pakasalan ko daw siya. Asa." Naiiling kong sabi.
"Teka, si Jane oh." Tinuro ni Aidan yung babaeng naglalakad papalapit samin. Si Jane Hernandez, one of the most popular chic sa school namin. Hindi pa man siya nakakalapit, titig na titig na siya sa pwesto namin. Kahit na naka-uniform siya bakat parin ang katawan niyang perpekto sa hubog. Ganyan ang mga gusto ko.
"May gusto daw yan sayo eh, mukhang liligawan ka na." Usal ni Aidan bago makalapit na nang tuluyan si Jane.
Ngumiti si Jane ng mapangakit tsaka inayos ang kwelyo ko. Nilapit niya ang katawan niya sakin at bumulong. "*Lets meet tomorrow after school dismissal, hihintayin kita sa labas ng gate.*"
Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "Sure." Pinadaan ko ang kaliwang kamay ko sa pwetan niya papunta sa bewang at hinaplos ang buhok niya. "Call me."
Pagkatapos nang pag-aaya sakin ni Jane ay bumalik na siya sa mga kaibigan niya sumunod na din ang pang-aasar ng mga barkada ko.
"Swerte talaga oh! Pagkatapos mo sana ako naman!" Biro ni William.
Sabay-sabay kaming umuwi tuwing dismissal kasi pupunta kaming arcades. Pustahan, laro lang.
"Babawiin ko yung pera ko kahapon, doble ipupusta ko ano!" Panghahamon ni Aidan.
"Sige ba, baka umiyak ka na--" naputol ang sasabihin ko nang may malaking boses na sumigaw.
"HAYOP NA AEON, PAPATAYIN KITA! GAGO KA! INIWAN MO KAPATID KO!" Agad kaming naalingon sa lalaking may malaking katawan at mukhang sasabog na sa galit. Meron siyang dala-dalang baseball bat habang tumatakbo papunta samin.
"Tangina, takbo!" Nagtakbuhan kami bago pa kami maabutan nung mama. Putek, yun ata yung kuya ni Irish. Shit, totoo pa lang nakakatakot kuya n'on. Kung saan saan na ko napupunta, hindi ko na nga namalayang nawala na yung iba kong kaibigan, si Aidan na lang yung kasama ko.