Chapter 21--Akala
“Irene.. Akala ko sabi mo nasa bangko ka ngayon? I thought you’re working.” Jin's eyes were set to Irene.
"She was. Nakasalubong ko siya kanina, eating alone on the restraurant. Nakasabay ko siya palabas." I said to Jin.
Napalingon sa akin si Irene, her eyes were full of questions but then she agreed with what I said. "Ah, oo nga. Nagbreak muna kasi ako, tapos nakasalubong ko si Aeon."
Jin looked at us with doubts, hindi siya basta-basta naniniwala pero hinila siya ni Irene dahilan para talikuran nila ako. "S-sige, una na kami ni Jin." 'Yon ang huling sinabi sa akin ni Irene ang maka-alis sila, nilingon pa ako ni Jin na may masamang titig sa akin in return, I smiled at him. Para mas nakakaasar.
---
"Ano itong sinasabi sa akin ni Ms. Montales na hindi ka daw uma-attend ng remedial classes mo?" My adviser told me.
Bago pa ako makauwi ay pinatawag ako ng adviser namin para kausapin, nagkaro'n na talaga ako ng pakiramdam na tungkol ito dito. Simula nung paghalik sa akin ni Claire ay nilalayuan ko na siya, sinisigurado ko na kahit anino ko hindi niya makikita. Hindi na ako uma-attend ng tutor classes ko sa kanya at hindi na rin ako lumalabas ng classroom ko. Kapag naman pupunta siya ay nagtatago ako sa likod ng pinto. Nakakatawa pero seryoso ako.
"Ma'am magse-self study na lang po ako, alam ko naman na--"
"Alam mo? Eh ni hindi ka nga maka-kalahati kanina sa quiz. Then you're telling me you're just gonna self study?"
Hindi ako umimik. "Mr. Huang, I'm sorry but I'm afraid you'll have to stay in this school for another year if you keep that attitude of yours. Academics ang pinaguusapan dito, Iho. Major subject pa."
"Sorry ma'am." Nakayuko kong sagot.
"Gusto kitang mapa-ayos, Aeon. You're smart. Palya ka lang talaga sa mathematics. Si Claire na nga ang nagmamagandang loob para sa'yo. Um-attend ka na ng classes niyo okay? Is that clear?"
Bumuntong hininga ako. "Yes ma'am."
Saktong paglabas ko ng pinto ay nakita ko na si Claire na nakangiti habang nakasandal sa pader at nakahalukipkip. "Ano? Tataguan mo pa ako? Sa larong yan dapat tayo ang magkakampi, Aeon." Lumapit siya sa akin.
Humakbang ako palayo. "Tumigil ka na, pwede ba Claire?" Naglakad na kami papunta sa Math club room at tsaka pumasok.
"Tinutulungan lang kita. Halata namang niloloko ka ng girlfriend mo."
"Hindi niya ko niloloko."
"How can you be so sure? Alam mo sa sarili mo na may iba sa kanya. Alam mong may tinatago siya."