Chapter 19--Us

1.4K 31 3
                                    

Chapter 19--Us

"Oo nga, buti naman at maaga ulit natapos ang shooting." Janice told me as we entered our house. Bumungad sa amin si Auntie na nakikipagkwentuhan sa babaeng nakalugay ang buhok at nakatalikod sa amin.

"Oh andito na pala si Aeon, kanina pa nandito si Irene." Usal ni Auntie habang nagsasalin ng juice. "Sino 'yang kasama mo, iho?" She asked.

"Uhm, Auntie si Janice po. Katrabaho ko." May binulong ako kay Janice na siyang nagpangiti sa kanya. Kumunot ang noo ni Auntie.

"Hi po tita! Ako po si Janice." Masayang bati ni Janice sa kanila.

"Tita? Feeling close." Sabat ni Echo na siyang nagpasimangot kay Janice.

Siniko naman ni Auntie si Echo. "Ano ka ba, Echo." Bumaling siya kay Janice. "Nako, pasensya ka na sa batang 'to spoiled brat kasi."

"Okay lang po, tita."

"Pinanindigan talaga niya." Bulong pa ni Echo, binatukan na siya ni Uncle.

"Umupo ka iha, kumain na ba kayo ng hapunan? Tamang tama kakaluto lang ng sinaing." Pumunta si Auntie sa kusina marahil para maghain para sa amin, tumayo din si Uncle para tulungan siya.

"Bakit nandito ka?" Mataray na tanong ni Janice nang siya'y umupo sa kabilang gilid ng sofa na inuupuan ni Irene, umupo ako sa gitna nila.

"Ikaw, ba't nandito ka?" Mataray ding pabalik na tanong ni Irene.

"Inimbitahan ako ni Aeon. Eh, ikaw?" Ani Janice. Hindi sila magkaharap habang naguusap, nakatingin lang sila sa harap nila.

"Baka naman namilit kang sumama?" Untag ni Irene.

"For you information--" Naputol ang sasabihin ni Janice nang sumigaw si Auntie.

"Halika na kayo, sabay sabay na tayo kumain." Pumunta kami sa dining table habang yung dalawang babae nag-aasaran pa din. Bakit ba pumunta si Irene dito? Hindi ko maiwasang ngumisi sa naisip ko. Siguro dahil sinabi kahapon ni Janice na pupunta siya ngayong gabi, nagseselos ba siya?

Umupo ako sa usual na pwesto ko, nasa kanan ko si Echo at bakante naman ang nasa kaliwa ko. Uupo sana doon si Irene kaso inunahan siya ni Janice, kitang kita ko ang pag-ismid ni Irene.

"Irene, dito ka na lang sa tabi ko." Pangaalok ni Echo sa bakanteng upuan sa kanan niya.

Ngumiti si Irene bilang pagtanggap sa alok niya at umupo siya sa tabi ni Echo. Siniko ko si Echo. "ATE Irene, Echo. Nasa'n na yung 'Ate'?" Mahina kong usal sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya. Ilang segundo pa matalim ang titig ko sa kanya bago ko siya alisan ng tingin. Naalala ko noon crush niya si Irene. Elementary pa lang siya noon pero nagnanakaw na siya ng halik kay Irene! Napaka pilyo. Tsk.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon