Chapter 24--In Despite
Months passed, malapit na namin matapos ang movie na fini-film namin. Akala ko nung una ay minsan na lang kami magkikita ni Irene pero hindi, mas napadalas pa ang pagkakasama natin. She was always saying reasons why is she in the place where I am, that she came to buy something, to have a short vacation.
But techinically, bakit naman niya pag-aabalahan ang mga 'yan kung napakalayo ng lugar ng pinupuntahan niya mula sa bahay nila. She's just making lame excuses just to cover up the truth that she wants to be with me. I'm not being conceited but that's what I observe. C'mon, may trabaho siya at meron din siyang sariling business, but then she can manage to do these things?
Gabi na nang makauwi ako, maaga pa nga ito kung tutuusin. Napansin kong may nakapark na hindi pamilyar na sasakyan sa labas ng bahay namin. Kakapark ko lang ng kotse sa garahe namin at papasok na ako ng bahay namin nang marinig ko ang pangalan ng isang tao na kinaiiritahan ko. "Ah.. ikaw pala si Jin? Kailan kayo ikakasal ni Irene?" Pag-apak ko sa bahay namin ay nakita ko si Echo na prenteng nakaupo sa sofa habang masama ang titig niya kay Jin.
"Ayusin mo nga 'yang pananalita mo, Echo. Mas matanda siya sa'yo." Saway sa kanya ni Auntie. Si Uncle ay nakaupo lang sa tabi ng asawa niya at nakatingin lang kay Jin. Bukas ang TV pero wala naman nanonood.
"Okay lang po." Ani Jin.
"May bisita pala tayo." I said to them that made them turn their gaze to me except for Jin who is still facing front with no emotions.
"Oo, kararating niya lang din. Hinihintay ka niya." Sagot ni Auntie. Habang naghahain ng pancit at empanada sa maliit na lamesa sa may sala. "Oh, kumain ka muna, Iho. Nako, pasensya na, naubos na kasi ang kanin." Alok niya kay Jin. Auntie is really kind as always, kung ako lang ang masusunod hindi ko na nga papasukin ang hambog na 'yan.
"Pasensya na po, Sandali lang din kasi ako, gusto ko lang po makausap si Aeon." Sabi ni Jin tsaka tumayo at hinarap ako.
"Ayaw mo muna kumain? Masarap magluto si Auntie, Jin. You're missing half of your life." I told him as I ate one empanada.
"Kakakain ko lang. Gusto ko ng matapos 'to." He said seriously.
Tinitigan ko din siya ng seryoso. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Sa labas tayo." Nauna siyang lumabas sa pintuan. Kumuha pa ako ng isang empanada bago lumabas, nakakainis. Istorbo pa siya, imbis na makakakain na ako. Mauudlot pa.
Bago pa ako makatapak sa labas ay tinawag ako ni Uncle, lumingon ako at nilapitan niya ko. Tinapik niya ang balikat ko. "Anak, ayusin mo yan. Alam kong may kinalaman yan tungkol kay Irene. Hayaan mo na sila."
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang mangyayari sa pag-uusap namin ng fiance ni Irene. Ayokong mangako lalo na kung alam kung hindi ko naman matutupad. Hangga't hindi nagiging patas ang lahat, hinding hindi ko sila titigilan. Pasensyahan na lang. Lugi ako.
"Ano ba 'yon?" Tanong ko habang nakalagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng slacks ko.