Chapter 25--Gagawin
"Grabe talaga, Aeon ha? Nagulat ako nung bigla ka na lang mag-walk out!" Janice exclaimed with over reactions. "Nagmukha akong tanga! God, para pa akong naghabol sa labi mo. Eek. Good thing, sapat na yung nafilm natin, kundi? Patay ka talaga kay direk." She shrugged as she put some vegetables to her cart.
I was doing some grocery when I bump on someone's cart--and that's Janice then the rest is history, nagsabay na kami sa pamimili at siya naman itong kwento ng kwento tungkol sa nangyari noong isang araw. Siya talaga yung tipo ng tao na hindi basta maka-move on sa isang bagay, ike-kwento pa ng ike-kwento.
Kumunot ang noo ko sa laman ng cart niya. "Kanin mo ba ang junkfoods? Really? Mabubusog ka ba niyan?" Tinuro ko ang halos maghulugan sa cart niya na mga chichirya.
"Wag ka nga mangielam ng cart ng may cart. Pera ko naman ang gagastusin ko dito!" Inirapan niya ko tsaka kumuha ng isang repolyo. Nakakaawa ang mga gulay na halos matabunan ng mga chichirya.
Napailing ako. "Akala ko ba nagda-diet ka? You should be eating vegetables a lot, Si Ire--Nevermind."
Napalingon ako sa kanyan nang hampasin niya ako nung sitaw. "Irene? Hindi mo pa tinuloy, nakakainis yung mga ganyan." Sabi niya tsaka nilagay ang hawak sa cart.
"Sige na, bilhin mo na ang lahat ng brand ng chichirya." Utas ko matahimik lang siya.
"Ayoko, panira ka kasi. Nasira tuloy ang mood ko." Maarte niyang sabi habang pinapaikot ang mata.
Sasagutin ko sana siya nang mapalingon kami sa tumawag sa akin mula sa likod. "Aeon?!" The girl who called me looked at me with shocked eyes. Hawak niya ang upo na pinangturo niya sa akin.
"Katrina?"
Nagsalitan ang tingin niya sa amin ni Janice. "Sino yan? Babae mo?"
"Easy, Katrina. Huminga ka naman." I suggested to her. Kanina niya pa kasi ako tinatanong kung sino ang kasama kong babae, we decided to have a talk here at a cafe. There were several people inside, probably because its weekend.
Pinauwi ko na si Janice dahil kanina parang sasabunutan na siya nitong si Katrina sa sobrang inis, baka magkasakitan pa ang dalawa. Siyempre magpapatalo pa ba si Janice?
Hinampas niya ang table kaya nagalaw ang kape sa harap niya. "Sagutin mo na kasi ako. Boses mo pa lang kilalang-kilala na kita! Sabi ko na nga ba at ikaw yan! Babae mo ba 'yon? Nasaan si Claire? Yung anak niyo? Alam niya ba yan? Napakababaero mo talaga!" Nanlalaki ang mga mata niya.
"Sasagutin ko yan ng isa-isa. Okay? Ni hindi mo man lang ako kinamusta."
"Sige, kamusta? Ayan dinagdagan ko na ng isa pang tanong."
Napabuntong hininga na lang ako. "Pero bago kita sagutin, can you please lower down your voice a bit? Baka may makaboses sa akin." I told her.