Listen to the song at the multimedia while reading this chapter :) Pinapakinggan ko yan nang ginagawa ko po ito <3 Ulitin niyo na lang kapag natapos :D Or bahala kayo xD (BEAST'S 12:30)
Chapter 22--Maiintindihan
"Mmmm.."
Naramdaman ko ang sabunot ni Claire sa buhok ko habang naghahalikan kami at ang mga kamay ko ay humahaplos sa kanyang beywang. Napatigil si Claire nang masanggi namin ang libro sa harap namin pero binalewala niya na lang ito at pinagpatuloy ang paghahalikan namin. Agresibo ang bawat paggalaw ng aming labi pero wala akong maramdaman.
Pero ako na mismo ang lumayo nang kagatin niya ang ibabang labi ko. "Tsk. Ang sakit ha?" Masungit kong usal sa kanya. Hinawakan ko ang parteng kinagat niya, mukhang nagkasugat pa ata ako.
Humagikgik siya. "Sorry, let's continue?" Ibaba niya na sana ulit ang ulo niya nang may kumatok, pareho kaming nagkatitigan bago pa siya bumaba sa kandungan ko at binuksan ang pintuan.
"Uhm, itatanong ko lang kung anong oras matatapos yung klase niyo?" Sumilip sa pintuan si Irene na tila nagtatakang tinignan si Claire dahil gusto ang damit nito, inaayos niya pa ang palda niya dahil tumaas ito nung umupo siya sa hita ko.
"Hmm, matagal-tagal pa kami eh." Sagot ni Claire at ngumuso pa.
Tinignan ako ni Irene. "Wala ka bang gagawin kasama si Katrina? Kung nagmamadali ka, umalis ka na." Bakas ang pagkagulat sa mga mata ni Irene nang sabihan ko siya no'n.
Aalis na sana siya nang balikan niya ako ng tingin. "Anong nangyari sa labi mo?"
"Nakagat ko lang, bakit ba? Madami ka pa bang tatanungin? Istorbo ka sa ginagawa namin eh." Ilang segundo niya pa ako tinitigan nang may nagaalalang mata bago lumabas.
"Sorry." ani Irene.
Sinandal ko ang likod ko. Ni-lock ni Claire ang pinto at sinubukang halikan ako muli pero umiwas na ako. "Uuwi na ako." Bakas ang pagtutol sa mukha ni Claire.
Tumaas ang kaliwang kilay niya. "What? Hayaan mo na 'yang Irene na yan. Let her wait." Umupo na rin siya sa upuan na kaharap ko.
"Inaantok na rin ako, bukas na lang." Kinuha ko na ang bag ko tsaka tumayo. Sinundan niya ako hanggang sa pintuan at bago pa ako makalabas ay kinintalan niya ako ng halik sa labi. Sanay na ako. Ilang linggo na namamagitan sa amin ito ni Claire, ito ang paraan ko para makabawi kay Irene sa lahat na ginawa niya para paats kami. Pero kahit na niloko niya ko, hindi ko siya bibitawan. Hindi pwede maging sila ng gagong Eric na 'yon. Kung lolokohin niya ko, maglokohan na lang kaming dalawa, tignan natin kung sino ang mas matibay. Ako pa talaga ang gaguhin nila ha?
Nang maisara ko ang pinto ay hinanap agad ng mata ko si Irene pero hindi ko siya makita, kumabog ang puso ko. Sa'n naman kaya siya pumunta? Sabi niya hihintayin niya ko? Iniwan niya nanaman ba ako? Maglalakad na sana ako para hanapin siya nang makarinig ako ng babaeng kumakanta sa gawing kanan ko. Napatingin ako sa pinaggalingan at nakita ko si Irene na nakupo sa hagdan at nakasandal ang ulo sa pader habang humuhuni.