Chapter 4--The Man

3.4K 57 8
                                    

Chapter 4-- The Man

"Sabi sa inyo, malandi yang si Irene eh. Kita niyo na? Pagkatapos landiin si Raymond, si Aeon naman yung sinunod."

"Tama si Jane, madalas ko na sila makitang magkasama. Siguro pinapagamit niya yung katawan niya para lang mapansin siya ni Aeon."

"Ba't naman kasi siya papansinin ni Aeon eh napaka-plain niya. Yuck."

Hindi ko na tinuloy ang pagkain ko. Nakakairita ang mga tao ngayon sa cafeteria, puro chismisan ang alam. Tinapon ko ang laman ng plato ko, palabas na ko ng cafeteria nang may tumawag sakin.

"Aeon!"

Lumingon ako at nakita ko si Jane na lumalapit sakin kasama ang iba niyang kaibigan. Tinignan ko lang siya.

"Bakit ba lagi kayong magkasama ni Irene?" Bakas ko ang pagkainis sa mukha at boses niya.

"Bakit ba lagi kayong nangingielam?"

Tinalikuran ko na sila at bago pa ko makalabas narinig kong nagsalita si Jane. "Alam niyo na gagawin niyo."

---

"Irene, tara na." Hinila ko ang kamay niya kaya napahiwalay siya ng hawak sa mga kaibigan niya.

Tumigil siya sa paglalakad kaya naman napatigil rin ako. "Aeon, bakit ba lagi mo kong hinahatid--"

"Hindi nga kita hinahatid, nagpapasama lang ako papunta kena William."

"Ilang beses na tayo pumunta sa bahay ng pinsan ko, hindi mo parin alam?"

"H-hindi. Mabilis akong makalimot sa direksyon.."

"Eh magaling na siya sa sakit niya kaya pumasok na siya. Ba't di ka na lang sumabay sa kanya?"

"Ang dami mong sinasabi, gusto mo bang halikan ulit kita, ha?"

Pinalo niya ang braso ko. "Ang lakas ng boses mo.." Pinipilit niyang yumuko para matago ang pagkapula ng mukha niya.

Hinila ko na lang siya palabas, gusto ko na makaalis sa campus. Gusto ko na kasi pumunta kena William..

"Jace, punta ka nga ng section A. Kunin mo kay Irene yung pinabaon sakin ni tita."

Napangiti si Jace sa rquest sa kanay ni William. "Sige b--"

"Ako na lang William, mukhang maraming ginagawa si Jace. Ako na bahala." tinuro ko ang sandamak-mak na papel sa ibabaw ni Jace yun yung pinapagawa ni Maleficent na homework namin na report paper. Hindi kasi gumagawa ng assignment, buti pa ako. Hindi aman ako ganito dati, ewan ko, bigla akong sinipag mag-aral ng mabuti.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon