Chapter 20--Figure

1.3K 32 2
                                    

Chapter 20--Figure

"Nasa'n ka?" I asked Irene on the phone while playing the wintermelon tea with a straw that I brought. I'm at the tea store here at the mall, were supposed to have a shooting but Janice can't make it due to her health issues. We can't just film without her because it was like 90% of the whole movie was her part. I'll be visiting her at the hospital later on. So here I am at the mall wearing disguise at usual, bored and tired. But don't expect me to go home, mas nakakatamad para sa akin ang makulong sa bahay ngayon.

"Na'sa shop, may kausap na kliyente. Istorbo ka."

"Tapusin mo na yan tapos pumunta ka dito sa mall."

"At bakit kita susundin? Ang dami kong ginagawa."

"Iwan mo na lang yan kay Katrina."

"Grabe ka, kaya nga partnership para magtulungan tapos lagi kong iaasa sa kanya?--Uhm, sorry.. Wait sir." Mukhang may inaasikaso nga siyang kliyente. Hmm, so what?

"Hindi ka ba naaawa sa akin? Mamamatay na ko dito." Ginawa kong nakakaawa ang boses ko.

"A-ano? Bakit--"

"Mamamatay sa sobrang pagkamiss sayo."

Hindi siya sumagot pero parang nakarinig ako ng pagkabasag. Narinig ko pa nga si Katrina mula sa kabilang linya na sumigaw. "Oh my god, sorry sir. Wala lang tulog itong babaeng to. Let me continue your negotiati--"

"Kasalanan mo 'to, Aeon." Malamang lumayo na siya o di kaya lumabas, nakakarinig na din kasi ako ng mga tunog ng sasakyan.

"Bakit naman? Sinisisi mo pa yung pagka-kilig mo sa akin." I bit my lower lip just to prevent my laugh.

"Hindi ako kinikilig, assuming ka."

"Kunwari ka pa. Pumunta ka na kasi dito."

"Bakit ba ako nanaman ang ginugulo mo?"

"Bakit ba hindi mo maiwan yang kliyente mo? Teka, lalaki yan diba?"

"Ano naman ngayon?"

"Can't you see? I'm getting jealous here."

"Wala kang karapatang magselos, Aeon."

"I have every damn rights, baby. And as for you, come here at the mall or I'll send to your dear fiance the picture of us kissing. Pick."

"Ugh. Badtrip ka." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay binabaan niya na ako. Napakadali talagang utuin ni Irene.

I texted her where exactly I am. Pagkaraan ng halos kalahating oras ay nakita ko na siya sa labas, magkasalubong ang kilay habang naglalakad papunta sa akin. "Ang tagal mo." I told her.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon