Dedicated sayo, nakakatouch ka kase :))
Chapter 5--A Conversation with Her Fiance
"Kuya, sa'n ka pupunta?" Echo asked me while playing xbox.
Naglagay ako ng wax sa kamay ko at inayos ang buhok ko. "Diyan lang, sa kakilala ko." Wala ngayon sina Auntie, nagdate sila. Someone gave me 2 theatre tickets, I don't have any interest on those kind of events so I gave it to them instead. Mahilig naman si Aunt Helena sa mga ganun.
He stopped then he looked at me. "Diyan lang pero para kang gagawa ng music video sa suot mo."
Tinignan ko ang sarili ko. Aminado akong talagang pinaghandaan ko ang suot ko, ang dami ngang patong. "I just have a good fashion sense, that's all."
"Sus, Kaya pala nakita kitang nags-search sa laptop mo ng men's wear combination pati--" I glared at him tat stopped him from his talking. "--sabi ko nga maganda lang ang fashion sense mo." He shrugged then go back playing with his xbox.
"May isosole lang ako, kaya maaga din ako dadating."
"Magsosole ka lang pala, ganyan pa suot mo, haha." Natawa siya pero napatigil din siya agad nang tapunan ko nanaman siya ng matalim na titig.
"I'm born with a generous attitude, Echo. I have to bring back the things i borrowed."
"Weh? Hindi mo na nga sinole sakin yung hiniram mong aviators sakin nung isang araw."
Kinuha ko ang kamay niya at tinapalan ng 2000. "Ayan, bumili ka ng sandamakmak na aviators mo. Bahala ka. Kainin mo pa eh."
He chuckled then he pointed me with his teasingly smile. "Sabihin mo na kasing pupuntahan mo si ate Irene."
"Bakit ko naman yun pupuntahan!?"
"Kapag ganyan ka kasi ka-effort, siya lang naman ang pinupuntahan mo.."
"Its different now, Echo. I'm a celebrity now, hindi ko alam kung may camera bang nakatapat sakin sa paligid. I need to look good for the sake of my job."
Echo smirked. "Hmm, Panigurado nasa restaurant ngayon nina Irene yung fiance niya."
"Ano namang pakielam ko?" I hissed.
"Sinasabi ko lang. Alam mo na, hindi kasi uso sa lahi natin yung natatabunan diba?" Binigyan niya ko ng mabilis na tingin tapos ay sumipol at pinagpatuloy ang paglalaro ng xbox.
"The hell I care." I said before leaving the house.
Hindi ko na mabilang kung nakailang sulyap na ako sa salamin. Sinigurado ko ding mabango ako, hindi naman siguro ako nasobrahan sa pabango. For the last time, I glanced at the mirror before going out of the car.