Chapter 29--Contented
She showed her hand that raised 5 fingers up. "You know what? Jin cancelled our wedding 5 days before. Isn't it funny?" She said in a bitter tone.
I can't say a word to her. I know she is hurt and she needs someone who she can lean on, pero paano? Paano ko siya madadamayan kung sa loob-loob ko may parteng natutuwa? You can't blame me. Gusto ko naman talagang hindi matuloy ang kasal nila but I didn't expect that Jin would be he one stopping the wedding. Hindi ko siya maintindihan, para saan pa't pinuntahan niya pa ako para lang paluyuin kay Irene kung ganito rin ang mangyayari?
I didn't drink any liquor. I'm just staring at her while making herself drunk with beer. Nung naghiwalay kaya kami ganito rin siya nasaktan?
"Sabi sakin ni Jin, inurong niya daw ang kasal kasi naisip niyang hindi niya pala ako mahal. Na may iba pala siyang babaeng gusto makasama at hindi ako 'yon."
My hand formed into fist. Sira ulo din pala talaga yung Jin na yun. Tapos sabi niya sakin hinding hindi niya sasaktan si Irene? Dapat niyang iuntog ang ulo niya sa pader sa pagpapalaya sa babaeng pinakainiingatan ko. At ngayong alam kong mas lumaki ang pag-asa ko kay Irene, hinding hindi ko siya papakawalan. I'll do everything to make her feel better when she's with me. Patutunayan ko sa kuya niya na mali lahat ng sinabi niya. We are meant for each other. Kami lang. And if he'll still be a barrier in our way, then I'm willing to conquer even the destiny and fate.
"Irene, are you.. okay?" I'm such a jerk for asking her that. Alam ko naman na 'hindi' ang sagot pero wala kasi talaga akong masabi. I can't give her the words of wisdom that can make her feel better. Ayoko rin namang tumunganga na lang habang pinapanood siyang nagkakaganito. Mas masakit na tignan siyang ganito kesa noong huli kaming uminom sa bar. She was expressionless.
Tinukod niya ang kanyang siko sa tuhod niya at pumangalumbaba. Magkaharap kami habang nakaupo sa sofa. "You know the answer, Idiot. Nang-aasar ka ba?" She sneered.
"Sorry."
"Don't be. Alam ko namang sinusubukan mo lang akong damayan, bigla ba naman akong sumugod dito." She smiled but it didn't reached her eyes. "Hindi ako okay kasi naiinis ako sa sarili ko." Pagtutuloy niya.
"B-bakit naman?" Nagaalangan kong tanong, baka kasi hindi siya komportable sabihin sa akin ang dahilan.
"Jin cancelled our wedding, then I should be crying and hurting for leaving me." She paused for a while before she continued. "But no, I felt freedom. Masaya ako na hindi natuloy ang kasal namin. Kaya naiinis ako sa sarili ko. Anong klase akong girlfriend para kay Jin? Dapat.. dapat nasasaktan ako ngayon pero hindi, I never felt any pain when he told me that he wants to cancel the wedding."
Mas lalo akong walang nasabi. Why is she saying this to me? Para sa'n? Biglang nakaramdam ako ng kaba. Oo nga, masaya ako na hindi na siya magpapakasal pero kung itutuloy niya pa ang mga sinasabi niya, natatakot ako na baka mas masakit ang bagsakan ko sa sobrang pag-asa sa kanya.
"Nung sinabi sa akin ni Jin na iaatras niya na ang kasal, gusto ko agad pumunta dito at sabihin sa'yo. Pero pinili kong manatili muna sa bahay ng ilang sandali kasi dapat hindi ako ganito. Na dapat umiiyak ako kasi iniwan ako ng lalaking dapat makakasama ko sa habang-buhay. Pero hindi rin ako nakatiis at pumunta ako sa'yo, at nandito na nga ako sa harapan mo."