Chapter 10--Do You Think
Agad akong niyakap ni Irene nang makita niya ko. Mabilis na nabasa ang damit ko dahil sa pagpatak ng luha niya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Aeon, hindi ko na alam ang gagawin ko.."
Hinaplos ko ang buhok niya. "Shh.. hindi kita iiwan, tutulungan kita. Puntahan na natin si tito."
Sumangayon siya at sabay na namin pinuntahan ang room kung saan naka-confine si tito. Mag-gagabi na nang tawagan ako ni Irene dahil bigla na lang inatake sa puso ang papa niya.
Nakakapanibago. Kung sino pa yung napaka-masiyahing pamilya, sila pa yung nagkakaganito. Kung sino pa yung taong pinakapinahahalagahan ko, sa kanya pa nangyayari to.
"Sabi ko naman kay papa, wag na siyang iinom eh. Hindi ko na alam, nahihirapan na ko." Impit ang iyak ni Irene. Naikwento na sa akin ng kuya niya na malaki-laki ang babayaran nila sa hospital. Fourth year high school lang ang kuya niya, nagpa-part time job siya bilang service crew. Hindi rin naman kayamanan sina Irene kaya naiintindihan ko siya kung bakit nahihirapan siya lalo na't nag-aaral pa sila.
Pinunasan ko ang luha ni Irene gamit ng panyo ko. "Tutulungan kita, may naipon naman ako. Pwede ko kayo pahiramin."
"Aeon, estudyante ka lang din at isa pa--"
"Hindi ko pa naman kailangan eh." Inipit ko sa likod ng tainga niya ang buhok na nakaharang sa mukha niya.
"N-nakakahiya.."
"Gusto kong tumulong." Ngumiti ako. "Wag ka ng umiyak, okay? Everything will be alright." Hinawakan ko ang kamay niya.
Tumango siya. "Everything will be alright." Ngumiti rin siya.
"Ano bang meron at hapit ka ata, Aeon?" Tanong ni Aidan na prenteng nakaupo habang inaayusan ng make-up artist.
"Basta, kailangan ko ng pera. Kung may iba ka pang alam, recommend mo ko ha?" Untag ko sa kanya.
"Oo na, parang dati lang nire-reject mo lahat ng offer tapos ngayon.. hay nako. Pag-ibig nga naman, binabago ka talaga. Para kay Irene yan ano?"
Ngumiti ako tsaka umupo sa upuan sa tabi niya. "Oo eh, gusto ko siyang tulungan."
Ilang araw na rin akong uma-attend ng photoshoots, minsan nakakapagod na talaga, pagtakatapos kong pumasok sa school diretso agad ako dito. Hindi ko pinapa-alam kay Irene na nagta-trabaho ako. Siguradong maga-alala lang yun. Ang alam niya kasi paminsan, minsan lang ako nagmo-model. Kapag may oras lang.
"Saan ka ba talaga pumupunta, Aeon? Lagi ka nang puyat.." Usal ni Irene habang hinahawakan ang ilalim ng mata ko. "Okay ka lang ba talaga?" Malungkot niyang sabi. Nakahiga ako sa lap niya habang nakapikit ako, nasa likod kami ng school. Lunch namin sa oras na to.