Chapter 8-- That's Good
"Irene, nakita mo na yung announcement board?" Ngiting ngiti kong tanong sa kanya.
Binaba niya ang libro na hawak niya at nagtatakang tinignan ako. "Bakit? Ano bang meron dun?"
"Nagtop-22 ako sa overall school exams!"
"Ah! Congrats!" Tinapik niya ang pisngi ko.
"Yun lang? Walang ano.. uhm.."
"Ano?"
"yung.. Kisssssssss..?"
Siniko niya ako. "Nakakahiya nasa library tayo. Aish."
"Mabilis lang naman eh." Nagtatampo kong sabi. "Nag-aral pa naman akong mabuti tapos.."
"Oo na."
Parang nagningning yata ang mga mata ko. Tumingin si Irene sa kaliwa't kanan tapos tinaas ang librong hawak niya sa tapat ng mukha namin tsaka siya lumapit at binigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi.
Ngumuso ako para mapigilan ang pagngiti.
Ganun lang yun. Simpleng halik lang sa pisngi pero halos atakihin na ako sa puso sa sobrang saya. Kay Irene ko lang to naramdaman. Ibang-iba.
"Para kang tanga ngumiti." Usal niya.
Mas lalo pa ata lumuwang ang pagkakangiti ko. "Alam mo ba kung bakit?"
Nagsalubong ang kilay niya at tinignan ako ng may nagtatanong na mata.
"Wag ka maingay ah?" Sabi ko sa kanya.
Tumango naman si Irene kaya lumapit ako sa kanya at bumulong. "Kinikilig kasi ako."
Kinurot ako ni Irene sa tiyan kaya napa-aray ako, sinita tuloy kami ng librarian. "Bakit mo ko kinurot? Ang sadista mo talaga." Hinimas ko ang parteng kinurot niya.
"Wala. Nanggigigil ako sayo. Tumigil ka nga." Umirap siya sakin pero ilang segundo lang ang lumipas ay ngumiti siya pero kinagat niya ang ibabang labi niya para mapigilan ito.
Pasimple kong hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng desk. Tumingin si Irene sakin pero humrap ako sa kabila para maiwasan ang titig niya, binalik niya rin naman ang mata niya sa pagbabasa. Pareho lang kaming mukhang tangang nakangiti habang nakaupo.
Tahimik, walang pag-uusap. Pero masaya pa din. Pasimpleng sulyap sa kanya at ganun din sakin, para kaming mga sira. Kunwaring nagbabasa ako ng libro kahit na hindi naman para lang mas mapalapit ako sa kanya. Hindi mapilas ang ngiti namin sa labi kahit na magkatabi lang kami.