Warning: Medyo may mura ulit.
Chapter 3-- BAKLA
"Wow, really? Congrats. I'm.. I'm happy for you." That was all I can say, that was unexpected. Hindi tuloy ako nakaisip ng mas maayos na sasabihin.
Nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko yun. Pinapapunta ako ng manager ko sa isang press conference. "Oo, sige, papunta na ako dyan."
Ibinaba ko ang tawag at hinarap si Irene na nagtatakang nakatingin sa'kin. Naiirita ako sa ekspresyon niyang ganyan. "Sorry, may emergency. See you next time." I said before I stood up and went out of the restau.
Pero bago pa ako makalabas ng restaurant ay narinig ko siyang sumigaw. "Baka dumugin ka! Oh." Lumapit na pala siya sakin at inabot ang jacket with hoodie at shades. "Ikaw talaga, tsk tsk." Tinignan ko ang kamay niyang nakaabot sakin at saka kinuha iyon.
"Thanks." Sabi ko tsaka mabilis na sinuot ng jacket at aviators. "Ipapasole ko na lang sayo 'to."
"Sige, baka hanapin din sakin yan ni Jin." Pagkasabi niya no'n ay pumula ang pisngi niya.
Hindi ko napigilang mangunot ang noo ko. Tinalikuran ko na agad siya at umalis, biglang sumama ang araw ko.
Padabog na ibinaba ko ang baso sa mesa kaya napatingin sakin sina Auntie, nag-sorry ako at sinabing nadulas lang sa kamay ko. Pinagsabihan naman nila ako na mag-ingat daw. Napabuntong hininga ako.
Mali. Mali. Mali. Dapat iba yung sinabi ko.
Habang naalala ko ang nangyari noong nakaraang araw ay naiinis ako. Pakiramdam ko natameme ako nung mga oras na yun. It shouldn't turned out like that.
"Aeon, nagkita na ba kayo ni Irene?" Lumapit sakin si Auntie at umupo sa katabi kong upuan sa kanan.
"Ba't naman po kami magkikita?" Pagmama-angan ko.
"Bakit hindi? Para namang wala kayong pinagsamahan." I can see the hope in Aunt's eyes. Pero wala na, hindi ko na siya mahal. At isa pa ikakasal na siya.
"Wala naman talaga kaming pinagsamahan. Niloko ko lang siya." Inikot-ikot ko ang baso at pinaglaruan ang laman nitong tubig.
Lumungkot ang ekspresyon ni Auntie pero agad din yun nawala at napalitan ng ngiti. "Mas gumanda si Irene, hindi ba? Tumangkad din siya. Kaya mas dumami ang manliligaw nung batang yun eh."
---
"Sigurado ka bang dito yung bahay ni William?" Usisa ko kay Aidan. Ang pagkakaalam ko kasi may pagka-bobo to sa direksyon. Kaya masasabi kong mas matalino ako sa kanya.
"O-oo. Dito yun eh. Eto talaga yng daan. Basta ang palatandaan ko may madadaanan tayong bahay na kulay asul." Sabi niya habang nakakunot ang noo at tila nag-iisip.
Binatukan ko siya. Tinignan niya ko na parang nagtatanong ko kung bakit ko ginawa yun. "Tignan mo nga yung paligid mo! Eh halos lahat ng bahay sa village na to, asul yung kulay eh."