Chapter 28--Tell me

1.6K 35 3
  • Dedicated kay mga kaibigan ko <3
                                    

Chapter 28--Tell me

"Dude, nandito kami para pigilan ang mga masamang balak mo sa sarili mo." Sagot ni Jace nang tanungin ko sila kung bakit nanaman sila nandito.

"Ano ba 'yang mga pinagsasasabi niyo?" Kunot noo kong tanong habang nakatingin sa kanila.

Nagsensyasan silang tatlo kung sino magsasalita. "Eh kasi sinabi samin ni Echo na aalis daw sila para magbakasyon. Tapos hindi ka daw sumama, iniisip lang namin na baka balakin mong kitilin 'yong buhay mo." Si William na ang nagsabi.

Napaismid ako. "Bakit naman ako magpapakamatay!?"

"Kasi ikakasal na si Irene sa linggo?" Sagot ulit ni William.

I shook my head while grinning to them. "Hindi ko na kailangang gawin 'yan. Alam kong.. alam kong babalik siya sa'kin. I still have 5 days." Umupo ako sa couch sa may sala at kinuha ang remote para buksan ang TV.

"Taas ng confidence, parang kahapon lang halos maghingalo na siya." Ani Aidan tsaka kumuha sa piattos na hawak ko. Umupo sina William at Aidan sa sofa sa harap ko at si Jace sa tabi ko.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Aidan. Kahit ako, minsan hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naguguluhan ako kapag nandiyan si Irene, natataranta ako sa mga desisyon ko. She really does effect me in every way she can do.

"Eh, bakit 'di ka sumama kena tita Helena?" William asked.

"Nakakatamad. Lagi na lang akong naga-out of town. Ano? May tanong pa kayo?"

Nagtaas ng kamay si Jace sa tabi ko. "Ako, meron. Bakit naka-tengga ka lang sa bahay? Wala ka bang projects?"

"I rejected them all. Meron akong dapat asikasuhin." Kinuha ko ang remote sa kamay ni Jace at nilipat ang channel.

"Ang pagsasabutahe mo sa kasal ni Irene?" Tumawa si Aidan at binato ako ng popcorn.

Binato ko din pabalik ang popcorn na binato nila sa akin. "Tsk. Tumigil nga kayo. Kayo maglinis niyan ha?" Sigaw ko sa kanila.

"Oo na, nga pala. Ba't di mo puntahan si Irene?" Tanong ni William.

Sinamaan ko sila ng titig. "Tapos magdadala kayo ng mga babae dito? Ano ako? Tanga?"

"Nags-suggest lang naman? Pero 'di nga? Hindi mo siya pupuntahan?" Tanong niya pang muli.

"Sinong may sabing hindi? Paalis na nga ako ngayon, gusto ko lang siguraduhin na wala kayong gagawing kababalaghan dito sa bahay." Usal ko tsaka tumayo.

"Sure, dude. Mapagkakatiwalaan mo ko." Sabi ni Aidan tsaka ngumiti na parang demonyo.

"Wag kang ngumiti, nakakapangdalawang isip ka." Sabi ko tsaka naglakad palabas ng bahay.

"Bring home the bacon, Dude!" Jace shouted before I closed the door.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon