Chapter 17--Montales

1.3K 27 1
                                    

Chapter 17--Montales

"Okay lang ako, baby." Sabi ko habang nasa likod ng pinto. Baka kasi biglang pumasok ang teacher namin, mahirap na baka maputol yung komunikasyon namin ni Irene kapag nakompiska yung phone ko. Meron pang sipsip na naglilista ng mga gumagamit ng gadgets tapos minus 20 sa summative. Badtrip.

"Balita ko late ka daw ah? Ikaw naman kasi. Ano bang ginagawa mo?" Nag-aalalang tanong ni Irene.

Sa totoo lang, miss na miss ko na siya. Ilang araw na kasi kaming hindi nagkakasama. Nagkikita man kami, sandali lang. Sobrang dami na kasi naming ginagawa sa school, ang daming pinapagawa at pinapatapos ng mga teachers. Ang hirap talaga maging fourth year, sabi nila kapag senior ka na daw petics na lang, pero mas madami pa lang ginagawa. Tatakutin ka pa na hindi ka ga-graduate. Tapos ang dami pang sinalihang curricular activities ni Irene kaya mas gipit yung oras na magkasama kami, lagi siyang tinatawag, lagi siyang kailangan.

Kailangan ko rin naman siya.

"Nag-aaral nga ako. Kailan ba matatapos yang sleep over niyo?" Usal ko.

Hindi naman talaga pag-aaral ang dahilan ng pagpupuyat ko, nagpa-part time job parin kasi ako. Tumutulong parin ako kay Irene at isa pa may pinagiipunan ako. Last day naman na yung pinasok ko kahapon.

"Hindi nga 'to sleep over, baby. Camping to!" Narinig ko sa kabilang linya ang boses ng best friend niya na may kinukwento na kung ano. "--Kat naman, ang aga-aga puro horror lumalabas sa bibig mo." Narinig ko ang mahinang tawa ni Irene. Napangiti ako.

"Nag-eenjoy ka pa diyan?" Tanong ko.

"Hmm. Oo, nagkwentuhan kami tungkol sa experience namin sa buhay, sa love life, sa friends, ganun.. Alam mo pinagmalaki kita!" Humagikgik si Irene. "Kinikilig ka ba?" Dagdag niya pa.

"Oo na, ngiting-ngiti nga ako ngayon eh." Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa noo ko. "Pero mas masaya sana kung nandito ka."

"Para namang nasa ibang bansa ako, uuwi din kami bukas."

"Ngayon na."

"Ayan, nagiging manipulative ka nanaman."

Bumuntong hininga ako. "Namimiss na talaga kita, baby."

"Hindi kita namimiss, sorry." Tumawa siya.

"Sige, magbi-bigti na lang ako." I joked.

"Not funny, Aeon Huang."

"Sorry na? Sabihin mo ding kasi--"

"Siyempre namimiss na kita, tanga! Napaka nito."

"Sabi ko na, mahal na mahal mo talaga ako." Nakangiting sabi ko.

"Oo na lang. Teka, tinatawag na kami. I love you baby."

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon