This is really a long chapter. Dapat gagawin ko tong 2 parts kaso naisip kong 1 na lang, ganun din naman :) Listen to the song in the multimedia while reading this chap if you want to! (SUPER JUNIOR'S EVANESCE) ulitin niyo na lang pag natapos. :) This chapter contains some scenarios on Irene's side from the past to the present.
Chapter 30--IRENE'S POV
"Ang kapal ng mukha niya para halikan ako! Kadiri! Pwe!" Pilit kong pinunasan ang labi ko gamit ang panyo ko. Hindi ko talaga malimutan ang ginawa sa akin ng Aeon na yun. Ang hangin niya, ano naman kung maraming nagkakagusto sa kanya? Ano naman kung gwapo siya? Ay, hindi. Pangit pala siya. Pangit siya!
Tinignan ako ni Kat na para bang suyang-suya na siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa labi ko at binaba. "Alam mo, Irene. Kahit anong gawin mo, nahalikan ka na niya. Wala ka nang magagawa. Tanggapin mo na lang, hinalikan ka niya, hinalikan ka niya, hinalikan ka niya, hinali--"
"Kailangan ulit-ulitin?" Usal ko na may pandidiri sa mukha.
"Ikaw? Hindi ka ba paulit-ulit sa kwento mo? Aish. Makapag-aral na nga lang sa english." Sabi niya tsaka binagsak ang math book sa kabilang tabi at kinuha ang english notebook.
Napasandal ako sa kinauupuan ko. Nasa canteen kami habang nag-aaral si Katrina kasi magq-quiz daw kami mamaya sa english habang ako naman ay tulala lang. Sino ba naman kasing babae ang makakalimot kapag hinalikan ka ng lalaking hindi mo naman talaga kilala bukod sa pangalan niya? Nakilala ko nga lang siya kasi yung isa kong kaklase, umiyak dahil nakipagbreak sa kanya si Aeon.
"Irene, sino nga ulit yung nabuntis sa binasa nating story?" Tanong ni Katrina pero hindi ko siya pinansin dahil may nakita akong isang tao na papunta sa direksyon namin, mabilis akong napayuko paharap kay Katrina para magtago.
"Si Aeon!" Bulong ko.
"Ano? Okay ka lang? Si Aeon, buntis?" Tanong ni Katrina na may nalilitong mga mata.
Umiling ako. "Hindi, si Aeon, papunta dito!" Napapikit ako ng mariin.
Ginala niya ang mata niya sa paligid at pagkatapos ay pinitik niya ang noo ko. "Nagha-hallucinate ka. Wala naman!" Dahil sa sinabi niya napalingon ako sa kaliwa at kanan, tama siya, wala naman si Aeon.. Teka, nababaliw na ba ko? "Irene, ha. Iniisip mo siya 'no?" Dagdag ni Katrina nang may nagdududang mga tingin.
Umiwas ako sa kanyang mata. Hindi. Bakit ko naman siya iisipin? Masama bang mamalik-mata?
"Irene, sumama ka na sa'kin." Hinawakan ni Raymond ang kamay ko, agad ko 'yon iniwasan at lumayo ng bahagya sa kanya.
"Ano ba, Raymond? Ayoko nga sabi." Pilit kong tinatago ang aking inis. Ilang araw niya na ako, pinipilit na sumama sa kanya. Nung una, nanliligaw lang siya pero bigla na lang siyang magde-demand ng ganito. Bawat tama ng balat namin, kinikilabutan ako.
"Gusto mo ba talaga bumagsak? Alam mong ang teacher niyo, mama ko." Pagbabanta niya.
"Ayoko nga sabi." Sagot ko. Naka-upo kami sa bench, nakipagkita sa akin si Raymond. Pumayag naman ako dahil gusto ko siyang kausapin ng maayos na ayaw ko sa kanya pero ayaw niyang makinig sa akin at pinagpipilitan na magbabago daw ang isip ko kapag sumama ako sa kanya. Pinilit niya pa ako at habang tumatagal ay nagiging marahas na siya sa salita at kilos niya. Natatakot ako dahil wala nang ibang tao sa paligid namin. Gusto ko mang kumawala sa kanya, sobrang lakas ng pagkakahawak niya sa akin.
Hanggang sa dumating ang isang tao. At pinroklama na siya ang boyfriend ko. Pinrotektahan niya ko. Ni hindi niya pinabayaang makalapit pang muli sa akin si Raymond, ramdam ko ang kaligtasan ko noong mga oras na 'yon. Nung mga oras na tinatago niya ko sa likod niya na para bang may aagaw sa akin.