Chapter 18--Guilty

1.2K 28 2
                                    

Chapter 18--Guilty

Tinulak ko siya palayo sa akin. "Aray naman!" Reklamo niya tsaka inayos ang salamin niya.

"Ano ka ba?! Baka mamaya may makakita sa atin, baka isipan pa tayo ng masama." Naiinis kong saway sa kanya.

Ngumisi siya tsaka tumayo. "Bakit? Guilty ka?"

Sinamaan ko siya ng tingin tsaka ako tumayo. "Bakit ba yumakap ka pa?" Tanong ko.

"Ang sakit kaya ng pagkakabagsak natin. Baka bigla ka kasing tumayo kaya yumakap muna ako sa'yo kaso tinulak mo naman ako! Ang sakit pa din." Sabi niya habang hinihimas ang balakang niya.

Bigla nawala ang uhaw ko. Ewan. Bumalik na lang ulit kami sa pag-aaral, naging maingat ako sa kilos ko. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Bawat tingin niya, bawat salita niya parang may binabalak siya. Parang may iba siyang ibig sabihin.. o ako lang 'to?

"Pare ang simple lang ng sagot diyan! You're physically attracted to her! Ang ganda naman kasi talaga ni Claire. Hay, ang saya siguro magkaro'n ng gano'ng kaganda na tutor. Teka, naka-score ka na ba?" Nanunuyang tanong ni Aidan sa akin. Naikwento ko sa kanya ang ilang araw na magkasama kami ni Claire at ang mga kinikilos niya.

Binatukan ko siya. "May girlfriend ako, bobo. Tsaka hindi ako attracted sa kanya." Pagdedepensa ko sa sarili.

"So kung wala kang girlfriend.. magugustuhan mo siya?" Tinapunan ko siya ng matalim na titig. "Okay sabi ko nga, titigil na ko." Sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay.

Hindi ako naa-attract sa kanya. Tapat ako kay Irene. Meron lang talaga akong pakiramdam sa kanya na hindi maganda. Ewan ko ba, baka paranoid lang ako.

"Pero seriously pare, sa tingin ko sine-seduce ka nya. And I think you're tempted by her." Sinubo ni Aidan ang huling piraso ng piattos habang nakatingin sa mga babaeng nagva-volleyball. "Wala namang bago, Aeon. She's not the first girl you encountered who acted like that. Kaya mo na 'yang i-handle." Dagdag niya pa. Nasa school ground kami, ang dami kasing tao sa loob. Gusto muna naming lumabas. Buti na lang at hindi masyado matao dito.

Dumapo ang tingin ko sa huling nag-spike. Si Claire. Ngumiti siya tsaka kumindat sa akin at kumaway. Umiwas ako ng tingin. Uminom ako sa hawak kong bottled water.

"Hoy! Aeon panget." Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Irene sa harap ko. Napaubo ako dahil sa pagkasamid.

"Okay ka lang? Ba't parang natataranta ka?" Hinahagod ni Irene ang likod ko.

"H-ha? Hindi ah." Sagot ko sa kanya. Nakatingin sa akin si Aidan nang may pagtataka. Kusang dumapo ang tingin ko sa harap ko, nakatingin din sa akin si Claire habang nakangiti.

"Tara, sa canteen tayo, Irene." Pagyayaya ko sa kanya.

Still You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon