Chapter 2: New Friends

3.9K 104 3
                                    

Lynn's PoV

First day ng klase namin ngayon and kasalukuyan kaming naglelecture sa Chemistry, since first day nga ay nag introduction muna kami ng subject matter pagkatapos namin isulat sa 1/2 index card lahat ng pinapasulat nya sa amin.

"...during the pre-historic times, chemistry was practised as an art rather than as a science. The richly dyed clothes of..."

*bell rings!* kasaluluyan kaming naglelecture nang biglang nag ring ang bell. Recess na and ang tahimik na classroom kanina ay unti-unting nagkaroon ng ingay.

"Ok class! Since time na, copy your homeworks that I will write on the board, and don't forget to submit it by tomorrow!" agad naman na nagsulat ng tatlong questions si Sir sa board and as he instructed us, kinopya kaagad namin ang sinulat nya sa board. Pagkatapos nyang magsulat sa board ay agad din niyang inayos ang mga gamit nya sa teachers table.

"Goodbye class." nakangiting  pagpapaalam sa amin ni Sir Charles.

" Good bye and thank you Sir!" tugon namin sa kanya. Tapos na ang first and second period namin and sadyang nakakagutom! Paano ba namang hindi eh ang first subject namin ay English and syempre dahil nga first day of school eh kailangan daw namin mag intoduce ng sarili in English of course and kailangan daw namin talaga ipakilala ang sarili namin sa lahat! That was sooo booring! Buti na lang talaga at Science ang second subject namin which is one of my favorite subjects! Ang sarap kaya pag-aralan ng Science! Hindi boring and for me, Science has full of adventures! Experiments, computations! Hahaha! Nakakatuwa kaya! At dahil second subject namin ang Science ay recess na namin! Yes! Gutom na gutom pa naman ako ngayon! Sana lang mura lang ang mga bilihin dito! Nakalimutan ko kasi mag pack ng pagkain dahil sa sobrang excitemnt ko! Aba! Paanong hindi eh first time ko hindi iintindihin ang tuition fees ko! Ang 3,000php monthly allowance na nakuha ko from my scholarship ay sa akin na talaga! Besides nakatanggap pa ako ng another scholarship worth 1,500 every month mula sa aming Mayor! Sobrang saya! Hahaha! Kaso heto nalimutan ko naman ang baon ko. Tsk! Magastos! Inilagay ko na lang muna sa loob ng bag ko ang lahat ng gamit ko, book, notebook, and pen bago lumabas.

"Hi!" Approach sa akin ng isa sa mga kaklase ko habang nakangiti. Napaka amo ng mukha niya and masasabi ko na mayaman talaga sya. Sa kutis pa lang nya kitang kita mo na kaagad na nakakaangat sya sa buhay dahil sa kakinisan nya. Mukha talaga syang mayaman.

*Hello!" sagot ko naman sa kanya. Agad naman nyang iniabot sa akin ang kanang kamay nya at nagpakilala,

"I'm Alicia Gomez! You're Lynn Garcia right?"

"Yeah natandaan mo pala ang pangalan ko? Nakakatuwa naman" sagot ko sa kanya habang nakangiti.

"Naku! Haha mukha ka kasing mabait kaya tinandaan ko talaga ang pangalan mo."

"Haha! Ganun ba? Salamat!"

"So... Let's go? Let's take our snack?" tanong nya sa akin habang nakangiti

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon