Special Chapter

2.1K 36 8
                                    

Hello classmates, school mates, friends... Lol haha naisipan ko lang po gawan ng special chapter ang Anderson University. This will really the end of this story... Pero wag pong kakalimutang subaybayan ang The Dark Side na ongoing na po and may seven chapters na.

Hope you'll like it.

Lynn's PoV

Napalingon ako sa bintana nang matanaw ko ang kagandahan ng paligid. Naipinta sa aking mga labi ang saya na kanina ko pa nadarama habang papunta ako rito. Lalo ko pang inilapit sa bintana ang mukha ko dahil sa pagkamangha.

Gaano na nga ba katagal mula nung huli akong napadpad sa lugar na 'to?

Hindi ko alam kung gaano kalaki ang ngiti na naipinta sa labi ko ngunit alam ko na walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Yumuko ako at binuksan ang wallet na hawak-hawak ko upang kumuha nang pambayad sa taxi na sinakyan ko.

Sa pag bukas ko nang pinto ay dahan-dahan akong bumaba sa taxi at marahang isinara ang pintuan nito bago tuluyang patakbuhin ng driver ang sasakyan.

Natatanaw ko pa ang taxi na sinakyan ko papunta sa lugar na ito, nakita ko naman na may tatlong magagandang babaeng may hawak na eco bag ang sumenyas ng pag para sa driver kaya naman huminto ito at pinasakay sila.

Napatingin naman ako sa sandals na suot ko bago kuhanin ang salamin na nasa kulay kayumangging bag na nalasabit sa balikat ko upang tignan ang sarili ko. Naconscious naman kasi ako sa kagandahan nung tatlong babae na nakita ko at baka mamaya ay haggard na pala ako.

Bahagya kong niliitan ang mata ko nang makita ko ito sa salamin kasabay ng pagpapalobo ng pisngi ko bago tuluyang ngumiti at ibalik ang salamin sa bag ko.

Naglakad na ako nang biglang humangin ng malakas kaya naman hinawakan ko ang suot kong kulay rosas na wide brim summer hat na may desenyong kulay bughaw na rosas sa bandang kaliwa nito, upang nang sa ganoon ay hindi liparin ng hangin.

Ganoon din ang ginawa ko sa dress na suot ko upang nang sa ganoon ay hindi ito liparin ng hangin at maiwasang masilipan ako nang mga lalaking nasa paligid. Ang dami pa namang boys dito at hindi ko hahayaan na makita nila ang matagal kong pinakaingatan.

Naramdaman ko naman ang pagtama nang mahaba kong buhok sa aking mukha dahil sa lakas ng hangin na dumaan sa akin. Nang huminto na ang malakas na hangin ay nagsimula na ako sa paglalakad at napansin ko ang pag sunod nang mga mata ng mga kalalakihan sa akin. Ganyan ba talaga sila? Kapag nakakita ng mga babaeng nakakaakit ng kanilang paningin ay susundan nila ng tingin na akala mo ay nakakita ng isang runway model na ubod ng sexy at ganda?

Habang papalapit ako nang papalapit sa kulay bughaw na gate na may nakasulat na Golden Wave Hotel and Reaort ay lalong dumarami ang mga taong nakatingin sa akin. Seriously? Naiilang na ako! Hindi ako artista para pagtinginan ng mga tao ano?!

"Good morning ma'am!" bati sa akin ng guard na nakasenyas ng 'you may come in!' sa akin. Sa pagpasok ko naman ay agad na bumungad sa akin ang napakagandang kapaligiran. May mga cottage na korteng mushroom habang hugis pabilog naman ang bintana nito at meron din namang mga nagtataasang building kung saan pupwede rin mag rent ang mga tao.

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon