Chapter 9: Head mistress

1.4K 48 6
                                    

Lynn's PoV

Napaka bilis lang ng bawat pangyayari. Madali lang na natapos ang kaso pero wala silang nakitang ebidensya kung sino ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Nandito kami ngayon ni Coral sa Chapel ng school. Nandito kasi ang larawan ng nina Alex at ng Principal. Inilagay dito ang larawan nilang dalawa para sa mga gustong ipagdasal at ipagtunos sila ng kandila. Tuloy pa rin kasi ang foundatiom week kahit may nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit itinuloy pa rin nila ang foundation week pero marahil iniisip nila na ito ang gustong mangyari ng principal. Tinitignan ko lang si Coral habang taimtim na nagdarasal nang biglang may babaeng nagsalita.

"Mamimiss ko siya."

Napalingon na lang kami pareho ni Coral sa babaeng nagsalita mula sa likuran.

Si Alicia.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan siyang mamatay ng ganoon kaaga."

Agad kong nilapitan si Alicia para yakapin. Nasasaktan ako na nakikitang nagkakaganito ang kaibigan ko.

"Pagbabayarin ko ang kung sino man ang may kagagawan nito sa kanya. Ipaghihiganti ko siya."

Hindi ko alam kung dala lang ba ng galit ni Alicia ang lahat ng sinasabi niya. Matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay tumalikod na siya at umalis.

"Nakakaawa naman si Alicia."

"Wala tayong magagawa Lynn, mahal na mahal niya ang bestfriend niya at alam ko na wala tayong magagawa para pakalmahin siya."

Minabuti namin na ipagtunos na ng kandila ang principal at si Alex. Habang ipinagtutunos namin sila ng kandila ay biglang nag vibrate ang cellphone ko.

One new message from
CRAZY

Hindi mo kailangang malungkot.
Nabawasan ka na ng isang kalaban.

Anong sinasabi niya? Si Alex ba ang tinutukoy niya? Tinignan ko muna si Coral habang nagtutunos nang kandila bago ako nag reply.

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon