Chapter 35

847 16 7
                                    

Dylan's PoV

Kung titignan mo kami, hindi mo aakalain na makakagawa kami nang mga krimen na ginagawa nang mga kontrabida, mga antagonist. Hindi aakalain nino man na magagawa naming pumaslang nang mga tao dahil lang sa libangan at bagong mundo na gusto naming likhain na kami ang tanging mamumuno, kami ang nagpapatakbo.

Lahat ng tao, ang inaakala ay mga mabubuti kaming tao. Malilinis. Walang bahid nang kasalanan at kasamaan. Pero ang hindi nila alam, kami mismo ang gumagawa nang mga krimen. Hinuhusgahan nila kami sa kung ano ang pisikal na kaanyuan namin at hindi sa kung anong klaseng pagkatao meron kami.

Hindi ko maunawaan pero nandito kami ngayon sa loob nang head mistress office. Ako, si Xyla, Diana, at ilan pang mga kalalakihan na hindi namin kilala. Kung titignan mo aakalain mo na sila yung tipo ng tao na easy target. Mukhang mga lampa at hindi magagawang ipag tanggol ang sarili.

Napangisi naman ako dahil sa naiisip ko patungkol sa kanila. We shouldn't let our judgement fool us. Masyadong mapanlinlang ang mga mata natin. What ever our naked eyes sees isn't always real.

Nang makarating kami rito ay nakita na namin ang tatlong bugok na nasa harapan namin na nakaupo rito sa sofa. Puro tahimik lang sila at walang kahit na isang kumikibo. Magkakakilala ba sila? Mukhang hindi eh dahil kung maglakakilala sila ay sa malamang na nag-uusap sila.

Masyadong malaki ang head mistress office kumpara sa inaakala nang mga tao. Actually it's more likely a mansion kung tutuusin. May office, kitchen, library, salas, at hanggang 3rd floor.

Kitang kita ko dito sa salas ang mga display ni Victoria na masasabi kong mga mamahalin talaga at mukhang ang ilan sa kanila ay mula pa sa ibang bansa. Mayroon din siyang mga displays na gawa sa ginto. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga perang ginastos niya sa para sa mga displays and figurines na matatagpuan dito, maybe sa budget ng school at ipon nang SSC Office mula pa noon.

Nagulat naman ako nang mapansin ko na ang isa sa mga lalaki na naghihintay din sa salas ay masama ang tingin sa akin. Ngayon pa ay masasabi ko na kaagad na hindi magiging maganda kung magkakasama kaming dalawa.

Masyado kaming tahimik dito sa loob habang naghihintay nang biglang nagsalita ang isa sa kanila. Hindi ko alam pero ayokong makipag usap sa kanila.

"Kumusta? Hindi ko na nababalitaan na pumapatay kayo ah? Ano? Pagod na ba?"

Tanong nang isang lalaki sa amin. Nang iinsulto ba siya? Napansin ko naman ang pag lakas nang maitim na aura nila Xyla at Diana dahil sa sinabi nang isang kasama nila.

Nakita ko naman na biglang inakbayan nang isa pa sa kanila ang lalaking nagsalita. Mukhang nanunubok ang mga lalaking to.

"Ano ka ba naman Charlie. Simplihan mo lang! Masyado naman mainit ang tanong mo sa kanila eh"

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon