Chapter 20: Escape

915 15 2
                                    

Lynn's PoV

Matapos ko malaman lahat ng dapat ko malaman ay agad din akong lumabas sa library. Kailangan ko kaagad makausap si Coral. Kailangan ko siyang kausapin sa lahat ng nalaman ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa building ay agad ko rin nakita si Coral na tumatakbo kagaya ng ibang mfa estudyante na mga nagsisigawan na rin. Nagkakagulo ang lahat pero bakit? Anong dahilan?!

"Coral!"

Bigla naman siya napahinto at tumingin sa dereksyon ko at tumakbo papalapit sakin.

"Lynn!"

"Anong nangyayari?! Bakit kayo nagtatakbuhan? May problema ba?!"

"Mamaya ko na sasabihin! Ang mahalaga makapagtago na muna tayo!"

Agad naman ako hinatak ni Coral para tumakbo papalayo. Sa di kalayuan ay may nakita akong tatlong mga lalaki na nakamaskara ng itim at meron silang binubugbog ng hampas ng mga bakal na estudyante kaya naman napabitiw ako kay Coral.

"Lynn! Let's go! It's not safe to stop running! They're after us!"

Pilit naman akong hinahatak ni Coral palayo pero nagpupumiglas ako dahil ayaw niyang sabihin sa akin kung anong nangyayari. Nagsisigawan pa rin ang mga estudyante habang tumatakbo palayo.

"Lahat ng eatudyante na mahuhuli nila ay papatayin nila! Naglalaro sila! Papatayin nila tayong lahat sa sandaling mahuli nila tayo!"

Hindi ko man alam kung sino ang tinutukoy nila ay tumakbo na rin kami palayo. Ano bang balak nilang mangyari?! Bakit nila ginagawa lahat ng 'to?!

Kahit saan kami pumunta ay may mga kalaban na nanghahabol ng mga target nila. Hindi ko na alam kung saan kami pupunta ni Coral. Kung meron pa bang ligtas na lugar dito sa loob.

Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa makapunta na kami sa lugar na walang gaanong tao. Ang garden. Nandito kami at nagtago lang dahil nagkalat na silang lahat. Mahirap, hindi namin alam kung ano ang kalalagyan namin sa oras na mahuli nila kami.

"Coral ano ba talagang nangyayari? Paano nagsimula 'to? Anong meron? Bakit? Paano? At sino sila?"

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon