Cody's PoV
Palinga-linga lang ako sa paligid habang papunta sa likod ng TLE building. Hindi ako pwedeng makita ng kahit na sino dahil walang pupwedeng mapagkatiwalaan ngayon. Wala na ang mga kakampi ko at mag isa na lang ako.
Kinakabahan man ay kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko na talaga siyang makausap upang malaman ko na ang lahat kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na iyon. Hindi na tama ang lahat ng mga nangyayari sa amin. Isa isa na kaming nawawala at baka sa susunod ay ako na ang mamatay.
Hindi ako makakapayag na pati ako ay mapaslang niya. Mapaslang nila.
*Flashback*
Tapos na namin ang trabaho namin. Napaslang na namin si Damian kaya nabawasan na ang nakakaalam ng sikretong lagusan palabas ng Anderson University.
Simple lang naman eh, gusto niyong malaman ang kinaroroonan ng lihim na lagusan? Hahayaan namin kayo na malaman ninyo kung nasaan. Pero papaslangin muna namin kayo bago makalabas.
Alam kong mahirap kalabanin sina Kyla at Ms. Victoria lalo pa at sila ang nag recruit sa akin. Pero kailangan ko rin maging mas mautak sa kanila at nararapat lang na sumapi ako sa mga makakapag ligtas sa akin.
Alam ko ang mga abilidad at limitasyon ko at sa sitwasyon ngayon, alam kong hindi ko kakayanin ang mag isa. Kailangan ko ng makakasama. Makakasama na matutulungan ako para makaligtas mula sa tiyak na kapahamakan, kamatayan.
Tinitignan ko lang ngayon ang larawan ng mga kaibigan ko. Nasa loob ako ng kwarto ko at ngayon ay mag isa na lang ako. Wala na rin silang lahat.Muli kong naalala ang nangyari kamakailan lang. Hindi ako maaaring magkamali sa pagkakakilanlan ko sa taong pumaslang kay Ace. Si Dark Slaughter.
Agad akong kumuha ng papel at ballpen at dali-daling nag sulat dito. Matapos kong mag sulat ay agad akong pumunta sa main building ng Anderson University at pumasok sa boys locker room.
Agad kong hinanap ang locker niya upang ihulog ang sulat dito. Nang mahanap ko na ang locker niya ay luminga-linga muna ako sa paligid upang masigurado na walang taong makakakita sa gagawin ko. Kailangan nya itong mabasa kaagad.
*End of Flashback*
Palakad-lalad lang ako sa likod ng TLE building habang nanghihintay sa pagdating niya. Nabasa kaya niya ang sulat na hinulog ko sa locker niya? Makikipag kita kaya siya? Sana naman ay harapin niya ako dahil kailangan ko na talaga siyang makausap.
Tinignan ko ang wrist watch na nasa kanang braso ko, 3:55pm na. Napansin ko rin ang malakas na panginginig ng kamay ko dala marahil ng labis na kabang nararamdaman ko kaya naman hinawakan ko lang ng madiin ang mga kamay ko nang sa ganoon ay maibsan ang bahagya ang panginginig ng nga ito. Hindi ko alam kung ano ang pupwedeng mangyari sa paghaharap namin.
Isa siya sa mga pinaka mabangis na taong kilala ko. Oo nga at sa unang tingin ay masasabi mo na mabait siyang tao pero kapag nakilala mo na siya ng lubusan ay malalaman mo na kung gaano kabangis ang diyablong nagtatago sa loob niya.
"Cody umayos ka! Kaibigan siya kaya hindi ka niya sasaktan."
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...