Damian's PoV
"Mama parang awa mo na! Ayoko na po!"
Patuloy lang ako sa pagmamakaawa kay Mama habang nagsusumiksik sa kanto ng kwarto ko. Takot na takot ako sa kanya dahil may hawak nanaman siyang dos por dos na pamalo. Alam ko na lalatay nanaman sa akin ang pamalo na iyon ni Mama kaya naman naiiyak na ako sa takot.
"Araaaaaaaaay!!"
Sigaw ko lang sa bawat pag hagupit sa akin ni Mama ng kanyang pamalo. Sobrang sakit, bawat pag hampas sa katawan ko ay parang nadudurog ang mga laman ko sa loob. Para akong isang karne na pilit na pinapalambot bago lutuin.
"Aray ko po! Tama na po! Paaaaaaaa!"
Pagmamakaawa ko kay Mama habang tinatawag si Papa na siya lang na tanging kakampi ko rito sa bahay. Pero wala si Papa dahil nasa trabaho siya.
"Walang hiya kang bata ka! Wala ang papa mo rito! Walang mag tatanggol sa'yo! Kung hindi mo ako sinumbong na nagsusugal ako ay hindi mo sana mararanasan to! Ngayon mag tanda ka!"
Panenermon sa akin ni Mama habang walang awa niya akong hinahambalos ng kanyang dos por dos. Papa please umuwi ka na.
"Maaaaa! Hi-hindi na po ako uulit tama na po! Ayoko na Mama!"
Pagmamakaawa ko kay Mama pero hindi niya pa rin ako tinitigilan. Para siyang walang naririnig. Hindi nya ba ako mahal? Ayaw nya ba sa akin? Ampon lang ba ako?
"Zaida tama na yan!"
Narinig ko naman ang sigaw ng isang lalaki habang nagmamadaling lumapit sa amin ni Mama. Ang taong nag iisang kakampi ko rito sa bahay, ang Papa ko.
Agad niyang inagaw kay Mama ang dos por dos na pinamamalo sa akin ni Mama at nilapitan ako ni Papa para yakapin.
"Papa!"
Tanging salitang nasabi ko kay Papa dahil sa pag lapit niya sa akin.
"Zaida ano ba?! Hindi ka ba talaga naaawa sa bata?!"
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...