Dylan's PoV
*Continuation of Flashback*
Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko upang makarating kaagad sa bakanteng lote malapit sa Anderson University kung saan ko sinabi kay Cody na magkita kami.
Pagdating na pagdating ko sa bakanteng lote ay nakita ko kaagad siya na nakasuot nang itim na cap habang nakapasok sa magkabilang bulsa ang mga kamay habang nakasandal sa pader.
Hindi ko alam kung napansin ba niya ako dahil nakatingin lang siya sa lupa.
Agad akong bumaba sa kotse at dahan dahang lumapit sa kanya.
"Cody"
Tawag ko sa kanya ngunit hindi siya kumikibo.
I snapped my finger in his sight but there's no response from him.
Hinawakan ko ang balikat niya dahilan upang magulat siya.
"Ah!"
Kitang kita ko ang takot mula sa mga mata niya na para bang may bagay na bumabagabag sa kanya.
"Is there something nagging at the back of your mind?"
I asked.
"Ah! Wala naman."
Tipid na sagot niya lang sa akin.
"Kanina ka pa ba nandyan?"
Dagdag pa niya sa akin. Palinga linga lang siya sa paligid na para bang may tinataguan siya.
"Ano bang problema? Sabihin mo nga sa akin!"
Madiing tanong ko sa kanya. He act so strange. Hindi naman siya ganyan. Para namang hindi siya sanay gumawa nang isang krimen.
"Ah! Eh. Wala naman. Baka lang may makakita sa atin."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil mukha naman walang kwenta ang bagay na bumabagabag sa kanya.
"Anong nalalaman mo?"
Tanong ko na lang sa kanya na kinakitaan ko naman nang pagtataka sa kanya. Mukhang wala siyang alam sa mga sinasabi ko.
Napakamot na lang ako nang ulo habang nakahawak ang kaliwang kamay sa bewang.
Ano bang nangyayari sa isang 'to?!
"Anong alam mo? Anong gagawin nila kay Lynn? Anong nalalaman mo?!"
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...