Lynn's PoV
Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ni Alicia lahat ng 'yon. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Bakit? Bakit nila gustong gawin 'yon. Hindi isang demonyo ang pagkakakilala ko sa kanya. Mabuti siyang tao. Hindi ganoon ang kaibigan ko, imposible.
"Saan mo gustong kumain?" tanong sa akin ni Coral habang nakatingin sa daan.
"Kahit saan" sagot ko kay Coral bago sumandal sa bintana ng kotse. Wala ako sa mood. Hindi ko na kailangan pa isipin kung saan ko gustong kumain. Uunahin ko pa ba 'yon? Hindi. Dahil hindi ako ganun klase ng tao. Nasa piligro ang buhay namin. Ni hindi ko nga alam kung aabutan pa kami ng second quarter eh.
Maya-maya lang ay biglang hinawakan ni Coral ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Derocho lang ang tingin nya sa daan habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.
"Life is too short Lynn. Kailangan natin gawing memorable at makabuluhan ang araw-araw. Hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari kaya mainam na muna natin intindihin ang mga bumabagabag satin"
Bigla naman ako napangiti sa sinabi niya. Mukhang dapat sa sarili niya sabihin ang lahat ng sinabi niya. Halata naman kasi kanina na may problema siya eh. Pero tama lahat ng sinabi nya. Life is too short.
Inihinto ni Coral ang kotse sa isang fast food chain. Dito siguro kami kakain. Agad naman naghanap ng mapag paparkan ng kotse si Coral at bumaba na kami kaagad sa kotse.
"Anong gusto mo Lynn? My treat." sabi ni Coral sa akin habang nakangiti. Narinig ko naman na kinilig yung dalawang babae sa kanan namin dahil kay Coral. Buset talaga ang lalandi.
"Anything." Bigla naman ako hinawakan sa kamay ni Coral habang sinasabi nya ang order namin. Nakita ko naman na sumimangot bigla ang dalawang babae kaya nangiti na lang ako bigla. Akala nyo ha!
Pagkakuha namin ng order ay naghanap naman kami kaagad ng vacant table para makakain na.
Habang kumakain ay nag kwentuhan lang kami ng kung anu-ano tungkol sa amin. Hindi kasi namin pwede pag-usapan lahat ng nalamam namin dahil marami ang makakarinig."Hi guys!" Bigla naman lumapit sa amin ang isang magandang babae na nakasuot ng dilaw na blouse at skirt. Si Alicia.
Anong ginagawa nya rito?
"Oh! Bakit naman yata bigla kayong natahimik? Is there any problem?"
"Alicia? Bakit ka ganyan? Bakit mo nagawa 'yan?" biglang sabi ni Coral sa kanya. Oh my gosh! Wag naman sana! Agad kong hinawakan ang kamay ni Coral para pigilan sya sa sasabihin nya pero hindi ko sya napigilan.
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...