Ms. Victoria's PoV
Tahimik ko lang na nilalaro ang swivel chair ko ng bigla ko maalala ang mga magagandang nangyayari sa loob ng school na ito. Napaka ganda, nakakatuwa. Sino nga ba naman ang makakaisip na ang isang napaka gandang paaralan ay isa palang impyerno para sa mga mag-aaral diba?
Bigla naman akong napangisi. Iba talaga ang nagagawa ng kapangyarihan, para akong nagpapatakbo ng isang gobyerno.
Bigla naman akong napatayo dahil sa naisip ko. Tama! Bakit kaya hindi namin dagdagan pa ang thrill dito?! Tama! Tatawagan ko na si Kyla para makausap patungkol dito.
Agad ko naman kinuha ang telepono at nag dial sa numero ng SSC Office since doon ang office ni Kyla as the SSC adviser.
Bago ko pa tuluyan ma dial ang numero ng office ay may bigla naman pumasok sa office ko. Dere-dercho lang siya at hindi manlang kumatok bilang pagbibigay galang. Handa sakin 'to. May araw ka rin sakin. Tinignan ko muna siya ng ilang sandali habang papalapit sa akin bago ko ibaba ang telepono.
"Anong kailangan mo?"
Tanong ko sa kanya. Hindi ko inaasahan ang pag dating niya rito. Hindi ko inaasahan na lalapit siya sa akin ngayon.
"May warning lang ako na ibibigay sa'yo."
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Anong warning?
"Warning?"
Napangisi lang siya sa akin bago pa man tuluyang magsalita. Hindi ko gusto ang ngisi niya sa akin, mukhang may masama siyang pinaplano.
"May panibagong kalaban. Nagmamasid lang siya sa'yo, sa inyo. Alam kong nagpaplano na siya ng masama laban sa inyo."
Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya sa akin. Sino ang tinutukoy niya? At bakit hindi manlang niya inunahan ang plano sa amin ng kalaban? At bakit hindi siya kasali?
"Teka? Bakit kami lanh? Hindi ba dapat ay 'sa atin' dahil magkakasama tayo? Bakit yata parang hindi ka kasali?"
Bigla naman siyang ngumisi dahil sa tanong ko kaya lalong napakunot ang noo ko.
"Dahil mapagbalat kayo ako "
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...