Coral's PoV
Ang sabi nila lahat ng tao na nagmamahal ay nasasaktan. Oo, ang mga taong minamahal lang naman natin ang nakakasakit sa damdamin natin eh. Pero bakit nga ba kailangan nating masaktan? Kailangan ba para ma test kung mahal nga talaga natin ang isang tao? Siguro nga, dahil wala naman taong nag mahal ang hindi naranasang masakyan.
Bigla naman akong napabuntong hininga dahil sa nararamdaman ko. Nalulungkot ako then at the same time hndi rin ako mapakali, sobrang miss ko nantalaga si Lynn.
Matagal tagal na rin kaming hindi nakakapag usap ni Lynn... Sobrang namimiss ko na talaga siya. Gustong gusto ko na siya malapitan at mayakap pero hindi ko magawa dahil hindi ko pa kaya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Dahil wala akong gaanong kakilala rito kahit na tatlong taon na ako sa eskwelahan na ito at matagal na kami nakakulong dito dahil hindi ko na ginawang makipag usap sa kanila dahil kailangan ko maging maingat ay madalas na lang ako na nadito sa loob ng library para mag basa. Ito na lang ang ginagawa ko dahil hindi naman na kami nakakapag usap ni Lynn.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng librong hawak ko ng biglang may babaeng nagsalita na pamilyar ang boses.
"Coral"
Tawag ng isang babae sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya. Nanlaki lang ang mga mata ko ng makita siya sa harapan ko. Hindi ko inaasahan ang pag lapit niya sa akin.
"Uhm... Lynn..."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakatikom lang ang bibig ko dahil hindi ako makapag salita. Hindi ko manlang maibuka ang bibig ko para makumusta siya. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Pero ngayong nasa harapan ko na siya ay hindi ko naman magawang makapag salita.
Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. Napatawad niya na kaya ako? Hindi na kaya niya ako pinaghihinalaan? Napansin ko naman ang unti-unting paglaho ng mga ngiti niya sa akin hanggang napayuko na lang siya.
Lynn... Bakit? Anong problema? May maitutulong ba ako sayo? Gustong gusto ko sa kanya sabihin lahat ng mga yan pero hindi ko magawa, gusto ko siyang pasayahin para makalimutan niya kahit pansamantala lang ang mga kalungkutan na meron siya. Pero wala akong lakas ng loob para gawin lahat ng iyon.
Maya maya pa ay nagsalita na rin siya at hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya.
"Sorry..."
Malungkot niyang sabi sa akin. Nasaktan ako dahil nararamdaman ko ang kalungkutan niya sa boses niya. Bakit kailangan niyang humingi ng tawad sa akin? Hindi ako galit Lynn... Hinding hindi ko magagawang magalit manlang sayo.
Lynn's PoV
Biglang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi ko, sorry Coral, sorry sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sayo. Sorry...
Bigla naman siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin para yakapin ako. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa ginawa niyang pag yakap sa akin kaya naman napayakap na lang din ako.
Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo nh mga luha ko, tuluyan na akong napaiyak dahil sa mga kasalanan ko sa kanya.
"Shhhh... Lyn wag ka na umiyak."
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...