Chapter 22: Outside

896 17 4
                                    

Dylan's PoV

Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang mga tao sa paligid habang nakaupo sa bench. Nasa labas ulit ako ng paaralan namin. Kami lang na mga nasa likuran ng mga nangyayari sa loob ng school ang nakakaalam ng paraan kung papaano makakalabas. Kami lang at wala ng iba.

Sobrang saya ng mukha ng mga tao sa paligid. Kung titignan mo sila parang wala silang problema. Akala mo wala silang pinag dadaanan.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka lang."

Biglang sabi ni Mama sa akin habang nakatayo sa likuran ko. Hindi ko namalayan na nandito pala siya. Tahimik lang ako at walang imik kaya naman naupo na si Mama sa tabi ko.

"Kumusta ang kapatid mo? Ayos lang ba siya sa loob ng school?"

Tanong sakin ni Mama na madarama mo ang kalungkutan sa kayang boses. Tinignan ko lang siya bago nagsalita at kitang kita ko ang kalungkutan mula sa mga mata niya.

"Ayos lang po siya Ma. Hindi ko po siya inaalis sa paningin ko."

Nakita ko naman na bahagya siyang napangiti dahil sa sinabi ko. Totoo, hindi ko hinahayaan na maalis siya sa paningin ko. Iniingatan ko siya, iniingatan ko rin na hindi malaman ng kahit na sino ang tungkol sa kanya dahil magkakaroon ng malaking gulo.

"Halika na Nak. Doon na tayo sa bahay, nag luto ako ng paborito mong Kaldereta."

Alok sakin ni Mama. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Matagal na akong hindi nakakatikim ng luto ni Mama na Kaldereta.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko kaagad ang mga larawan niya. Mukhang miss na miss nya na talaga ang kapatid ko. Kinuha ko naman ang isang litrato na nakapatong sa table at tinignan ito.

Ang saya nila Mama dito. Bigla naman ako nakaramdam ng kalungkutan, kung maaga lang sana namin nalaman ni Mama na mag-ina kami, siguro kasama rin nila ako sa larawan na 'to. Sana masaya ang pamilya namin.

"Halika na Anak. Nakahanda na ang pagkain"

Masayang tawag sakin ni Mama kaya naman agad ko rin ibinalik sa lamesa ang larawan at pumunta sa kusina.

"Oh hayan Anak. Kumain ka ng marami ha? Naghanda ako ng maraming pagkain para sa'yo."

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon