Chapter 26: Cherish Part I

992 19 0
                                    

"Betrayal"

Lynn's PoV


Napakarami nang bagay na nangyari sa amin, maraming buhay na rin ang nawala dahil sa kagagawan ng mga officials ng school na ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakalabas ni Coral sa impyernong to.

Isang susi pa lang ang hawak namin at kailangan pa namin ng isa pa bago tuluyan makalabas.

Napatingala na lang ako upang pagmasdan ang langit. Napakaaliwalas ng panahon. Masarap lumabas ngayon at mamasyal lalo pa at walang init at malamig ang simoy ng hangin.

Napapikit na lang ako habang dinadama ko ang paghaplos ng malamig na hangin sa katawan ko. Napakasarap sa pakiramdam. Mas sasarap sana 'to kung nasa labas kami at hindi namin nararanasan ang mga bagay na hinding hindi hahangarin na maranasan nino man.

Nakaupo lang ako ngayon habang taimtim na dinarama ang simoy ng hangin. Mas pinili ko na mag stay dito sa likod ng head mistress office kahit pa alam ko na mapanganib dito lalo pa at nandito ang sikretong lagusan pero ito lang kasi ang pinaka tahimik na lugar. Maganda rin ang paligid dahil sa mga halaman na nakatanim dito.

Sana lang at magwakas na ang lahat. Lahat ng mga kaguluhang nagaganap dito. Lahat ng mga pagpatay sa mga inusenteng buhay.

Napangiti naman ako ng maalala ko ang mala nobelang karanasan namin ni Coral bago kami pumasok noong unang araw ng foundation week.

Napaka saya namin nung araw na yon lalo pa at dinala niya ako sa favorite place niya na para sa akin ay isa na rin sa mga favorite place ko. Hindi ko maiwasan ang maluha lalo pa at sobrang nasasabik na ako na maranasan ulit ang mga nakagisnan ko gawin noon nung malaya pa kami.

Dati nung nakakasalamuha ko pa ang mga taong hindi ko kilala sa labas ay hindi ko magawang mamansin man lang kahit may tumatawag sa akin, kasi nga hindi ko kilala. Pero ngayon, siguro pag nakalabas na ako kahit hindi ko kilala papansinin ko na. Dati nararanasan ko pa pumunta sa mall, mag café at kung ano ano pa.

Siguro nga hindi kami nakakaluwag sa buhay lalo pa at habang tumatagal ay nagtataas ang mga bilihin pero ginagawa pa rin namin mag saya ni Mama. Sana lang buhay pa siya ngayon. Pero ayos na rin siguro na wala na ang mga pamilya namin. Wala na mag aalala sa amin sa kalagayan namin dito.

Namimiss ko na yung pagtatrabaho ko tuwing walang pasok, kahit mahirap at nakakapagod ay masarap kasi kumikita ako. Nabibilan ko ng gamit si Mama at nakakapag bigay ako ng pera sa kanya pang dagdag sa mga bayarin namin.

Napaka sarap balikan ng nakaraan. Hanggang nakaraan na lang dahil sa bawat pag lipas ng araw ay nawawalan na ako ng pag-asa na magiging maayos pa ang lahat. Hanggat hindi kami nakakaalis sa impyernong ito ay hanggang ala-ala na lang ang lahat ng mga bagay na gusto kong balikan.

Napadilat naman ako ng may isang lalaki na lumapit sa akin at biglang nag salita.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong sa akin ni Coral habang suot suot ang nag-aalala niyang expression sa kanyang mukha at bakas ng pag-aalala ang bawat pag bigkas niya ng salita.

Napangiti naman ako bago sumagot sa kanya. Oo, maaari nga na wala na sa akin ang lahat pero meron pa ring isang tao na nandito sa tabi ko. Nandito lamang siya sa tabi ko upang protektahan ako sa lahat ng tao na gustong manakit sa akin. He's my protector.

"Oo, ayos lang ako."

Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya. Alam ko na alam niya na nagsisinungaling ako. Kilalang kilala niya na ako. Maging ako ay kilala na rin siya at alam ko na hindi siya nasatisfied sa sinagot ko sa kanya.

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon