Chapter 16: The Promise

992 24 2
                                    

Coral's PoV

Kaya pala niya sinabi yon kay Clarisse. Alam nya na si Clarisse na ang kikitil sa sarili nyang buhay sa oras na patayin nya ang kaibigan nya. Mukhang alam na alam nya na kung paano manipulahin ang isang tao.

Bakas pa rin sa loob ng silid namin ang dugo ni Angelica at ang takot na namuo sa bawat isa. Maging ang teacher namin ay hindi na nagsimula ng klase. Nagpagawa na lang sya ng activity sa amin dahil mukhang alam niya na wala rin naman papasok sa mga kokote namin kahit pa simulan nya ang klase.

Napatingin ako kay Lynn na tahimik lang na nakaupo at nagsasagot ng libro. Apektado rin kaya sya sa nangyari? Siguro nga apektado rin sya.

Maya-maya lang ay may isang lalaki ang biglang tumayo sa klase at nagpaalam na magccr lang sya. Si Erzio. Isa sya sa mga tahimik lang sa klase at puro pag-aaral ang inaatupag, pati tuloy sya pinaghihinalaan ko na rin. Mahirap na kasi magtiwala sa mga tao na nasa paligid namin ngayon. Ang taong pinagkakatiwalaan ko lang ay si Lynn.

"Bilisan mo. Hindi ka nila pwede maabutan sa labas, hindi ka pwedeng matagalan."

Mabilis naman na lumabas ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit nya sinabi 'yon samantalang umaga naman at nasa klase ang lahat. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakabalik na kaagad siya na pagod na pagod at hawak-hawak ang kanang braso pero may napansin ako sa braso nya.

Dugo... Puro dugo ang braso nya.

Mukhang napagtripan sya ng mga officers, mukhang napag tripan sya ng mga tauhan ng head mistress.

"Sino ang may gawa sayo nyan Erzio?!"

Gulat na gulat na tanong sa kanya ng teacher namin. Ano nga kayang nangyari sa kanya? Ilang minuto lang ang nalalipas matapos nya umalis pero pagbalik nya ay may sugat na kaagad siya.

"This is a warning."

Warning? Anong warning? Teka? Anong ibig nyang sabihin?

"Sabi ng lalaki na nakamaskara ay malapit na raw po ang katapusan. Papatayin nya tayong lahat kagaya ng ginawa nila sa mga magulang namin."

Gulat na gulat kaming lahat sa sinabi ni Erzio. Ibig sabihin....

Patay na ang mga magulang namin?!

Lynn's PoV

Hindi ako maaaring magkamali sa narinig ko na sinabi ni Erzio. Pinatay nila ang mga magulang namin?! Kaya ba hindi namin sila matawagan! Mga demonyo talaga sila!

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon