Dark Archontas Note:
Hello! Sorry po sa late update! Gusto ko lang po sabihin na kung may ma encounter man kayo sa story na ito na kagaya nang nasa Aderson University: Evil Inside ay 'wag ninyo po sana sabihin na nanggaya lang ako, 'wag ninyo po sana akong huhusgahan. Ako rin po ang author nun, kaso nga lang ay hindi ko na po mabuksan dahil yung cellphone ko kung nasaan ang account ko na iyon ay nasira. Nalimutan ko na rin po ang password kaya wala na talaga. Hindi ko na mabuksan. Yun lang po.
Ms. Victoria's PoV
Hindi ko naman alam na ganito pala kasarap ang maging isang head mistress sa school na ito. Sobrang sarap! Wala kang ibang ginagawa kundi ang maupo lang ng maupo rito sa swivel chair.
Kasalukuyan kong pinapaikot ang swivel chair ng bigla siyang dumating.
"Ms. Victoria." Bungad niya sa akin kaya naman agad akong umayos ng upo.
"What brings you here my dear?" Tanong ko naman sa kanya. Mukhang may ipapagawa na kaagad siya sa akin.
"Nasaan siya? Ang magiging bago mong secretary."
Napangisi na lang ako sa tanong niya. Masyado siyang interesadong malaman kung nasaan si Kyla.
"Masyado ka yatang interesado?"
"Kailangan alam ko kung nasaan ang mga tauhan ko." Sagot niya sa akin habang nakatingin ng derecho sa mga mata ko. "Hindi ibig sabihin na ikaw na ang bagong head mistress ay hindi mo na ako susundin. Tandaan mo, kahit nasaan ka man ay ako ang susundin mo."
"Oo naman. Kung hindi naman dahil sayo, wala ako rito sa posisyon ko."
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Misterio / SuspensoAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...